Balita

Palawan officials, binalaan ni Duterte

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Binalaan ni Pangulong Duterte ang lokal na mga opisyal ng Palawan na resolbahin ang madalas na nararanasa­ng power outage sa isla, bago matapos ang kasalukuya­ng taon.

Sa kanyang pagdalo sa paglulunsa­d ng unang Subaraw Biodiversi­ty Festival ng lalawigan, sa Puerto Princesa City nitong Sabado ng gabi, sinabi ng Pangulo na gagawa na lang siya ng hakbangin kung hindi malulutas ang nasabing power interrupti­on na arawaraw na nararanasa­n simula pa noong nakaraang taon.

Mula anim hanggang walong oras aniyang nararanasa­n ang brownout sa Palawan.

“’Yung inyong ilaw dito, at this late of the day of developmen­t in the country, may brownout kayo na six to eight hours. That is not acceptable to me," ayon sa Pangulo.

“On the extreme, maybe I will just give you guys, walang personalan 'to. Trabaho lang. I’ll give you about towards the end of the year a new set up that could provide enough energy to run a place and so that it can develop, operate and it can move. You have to upgrade your source of energy,” banta ni Duterte.

Aniya, magpapasok siya ng malalaking player, kahit na mga banyagang mamumuhuna­n, kung hindi pa rin mareresolb­a ng pamahalaan­g panglalawi­gan ang usapin.

“Kasi kapag hindi, ang gawain ko, maghanap ako ng may pera talaga. China nangangati ang kamay niyan, eh, just to get hold of developmen­ts here. I will expropriat­e your franchise. Bilihin ko 'yan, at an evaluation that is fair, just compensati­on, to end this almost an impasse,” aniya.

Sinabi rin ng Pangulo na nais niyang kausapin si Palawan Gov. Jose Alvarez at Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron kaugnay ng naturang kontrobers­iya.

“I will allow other players to enter and I will allow them to buy you out and I will exercise the right of the state to eminent domain. Either do it or I will do it for you. I will wait your decision. I will expropriat­e. That’s the only thing. I cannot confiscate,” sabi pa ni Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines