Balita

Kate Valdez at Mikee Quintos, may iringan?

- Ni MERCY LEJARDE

HATE ng fans ni Mikee Quintos ang pagiging kontrabida ni Kate Valdez kay Mikee sa Kapuso teleseryen­g Onanay. Mapapaisip tuloy kung may namamagita­n talagang rivalry sa pagitan nilang dalawa.

“Wala, wala pong ganu’n sa amin ni Kate. Suportahan kaming lahat para sa ikagaganda ng mga eksena namin sa Onanay,” sabi sa amin Mikee nang kapanayami­n.

“Mikee and I are good friends noon pa mang Encantadia days namin na siya si Lira at ako si Mira,” sabi naman ni Kate. “Happy nga kaming nagkasama kami uli sa isang show dito sa Onanay na sana, magtagal sa ere.

“Alam kong maraming naiinis sa ‘kin dahil sa mga kamalditah­ang ginagawa ko sa story, but okay lang kasi it means I’m effective sa acting ko bilang inggiteran­g si Natalie.

“As Ms. Cherie Gil says, okay ang ginagawa ko and I’m doing my job well. Sa ngayon, I’m staying with my mom Onay (Jo Berry)

and with Mikee as Maila at siyempre, hirap na hirap akong mag-adjust kasi nasanay ako sa marangyang buhay with my grandma Helena. Abangan n’yo kung saan ako makakataga­l sa ganitong setup,” ang mahabang tsika sa amin ni Kate, na inihahawig kay Liza Soberano.

So, klaro ha, trabaho lang at walang personalan na namamagita­n kina Mikee at Kate sa mga eksena nila sa Onanay.

Mukhang hindi na rin special participat­ion lang ang role ni Superstar Nora Aunor sa serye kasi marami na siyang eksena.

Anyways, napapanood ang Onanay gabi-gabi sa GMA-7.

 ??  ?? Kate at Mikee
Kate at Mikee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines