Balita

Andrea, tantanan na kaya ng bashers?

- Ni NITZ MIRALLES

MAGTATAPOS na ang Victor Magtanggol sa Biyernes, November 16 at ibig sabihin, makapagpap­ahinga na si Andrea Torres mula sa pambababas­h ng fans na ayaw siya bilang kapareha ni Alden Richards sa naturang telefantas­erye.

Kung anu-ano na lang kasi ang ipinaratan­g at itinawag ng bashers kay Andrea pero mabuti na lang ay hindi siya nagpaapekt­o sa kanila. Tuloy ang maganda nilang working relationsh­ip with Alden, kaya lang, siguradong may mang-aaway pa rin ay Andrea kapag napanood ng bashers ang BTS ng kissing scene nina Alden at Andrea, kahit tapos na ang serye. Lalo pang magagalit ang fans kapag sa ending kapag sina Victor (Alden) at Sif (Andrea) ang magkatuluy­an. Hindi na kasi puwedeng makatuluya­n ni Victor si Gwen (Janine Gutierrez) dahil ikinasal na ito kay Tim (Lucho Ayala).

Speaking of Andrea, may Christmas gift sa supporters niya. Ito ay ang calendar na hindi lang male fans ang matutuwa, kundi pati ang kanyang female fans.

“This year, I want to do things a little differentl­y. A calendar I PERSONALLY produced. This is for YOU, my followers. It’s my way of saying THANK YOU for the tremendous support you’ve given me. You are nothing short of amazing! Like what I always say, I’ll never get used to it. I’m bursting with love and gratitude for each one of you. So, here it is, a 2019 calendar made just for you! It’s now available in Matrica Store (link in my bio). Thank you also to my team. I can always count on you! Stay tuned, I have more surprises regarding this calendar in the coming days,” anunisyo ni Andrea sa kanyang social media account.

Para sa fans ni Andrea na nagtatanon­g kung ano ang sunod na show ni Andrea sa GMA-7, mag-abang lang kayo dahil siguradong may kasunod siyang project. Matatapos pa lang ang Victor Magtanggol, at magpapahin­ga muna siya ng ilang buwan.

 ??  ?? Andrea
Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines