Balita

Cast ng ‘Spirits Reawaken’, celeb VJs sa MYX

-

MAGKAKASAM­ANG haharapin nina Grae Fernandez, Chantal Videla, Jairus Aquino, Kira Balinger, Bugoy Cariño, at Patrick Quiroz ang pagiging celebrity VJ ng MYX ngayong Nobyembre.

Ibabahagi ng celebrity VJs ang tungkol sa kanilang pinagbibid­ahang Spirits Reawaken, ang reboot ng 2004 thriller-adventure series ng ABS-CBN, kung saan tampok ang mga teenager na may mga kakaibang kapangyari­han upang labanan ang mga masasamang nilalang. Mapapanood ito sa new content-on-demand digital app na iWant simula Nobyembre 17.

Kaabang-abang din ang paghahatid nila ng mga bagong music videos habang nagkukwent­o ng tungkol sa kanilang bagong proyekto.

Ang beteranong singer-songwriter na si

Janno Jibbs naman ang mangunguna ngayong buwan bilang “MYX Headliner.” Excited na ang bagong Kapamilya na ibahagi ang kanyang mga minahal na kanta, pati na rin ang kanyang musika bilang bagong miyembro ng Star Music family.

Samantala, ang bandang Bita and the Botflies ang sasalang sa ilalim ng “MYX Spotlight” ngayong Nobyembre. Kilalanin ang blues/rock band, gayundin ang kanilang soul-stirring songs sa channel.

Panoorin ang MYX Celeb VJs na sina Grae, Chantal, Jairus, Kira, Bugoy, at Patrick sa “Pinoy MYX” mula Nobyembre 11 hanggang 17, “Mellow MYX” mula Nobyembre 18 hanggang 24, at sa “My MYX” mula Nobyembre 25 hanggang 30. Mapapanood ang MYX sa ABSCBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines