Balita

Toni, Pia, Kim, may pasabog sa 3rd anniversar­y special ng ‘TWBA’

-

TAMPOK ang mga kahanga-hangang kababaihan na sina Toni Gonzaga,

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Kim Chiu, at Asia’s Songbird Regine Velasquez

sa buong linggong selebrasyo­n ng Tonight With Boy Abunda, kasama siyempre si King of Talk na si Boy Abunda sa “#3WBA The Laughs. The Feels. The Truth. Third Anniversar­y Special” simula ngayong araw (Nobyembre 12) hanggang Biyernes (Nobyembre 16).

Unang sasabak sa hotseat ang hostactres­s-singer-entreprene­ur, at higit sa lahat ang mother na si Toni Gonzaga. Anu-ano kaya ang mga rebelasyon ng ‘woman-whocan-do-it-all’?

Di rin pahuhuli si Pia, ang host ng Pia’s Postcards sa Metro Channel, kung saan arawaraw niyang ibinibida ang ganda, talino, at pusong Pilipina sa buong mundo.

Sa ikatlong espesyal na panayam, tampok naman ang unang PBB Teens big winner na si Kim Chiu. Mula sa pagiging housemate ay host na siya ngayon ng Pinoy Big Brother Otso at isa sa mga pinakahina­hangaang artista sa industriya. Ihahayag niya ang kanyang kuwento sa isang TWBA

dressing room exclusive kasama ang King of Talk.

Abangan silang tatlo kasama ang King of Talk sa kani-kanyang exclusive dressing room interview.

Samantala, two-part special naman ang dapat abangan sa unang pagdalaw at mga rebelasyon ni Regine Velasquez sa TWBA set. Ang Tonight with Boy Abunda ang natatangin­g showbiz authority ngayon sa telebisyon na nagbabahag­i ng pinakamaii­nit na balita at eksklusibo­ng expose tungkol sa mga pinakasika­t at pinakapina­g-uusapang artista ngayon. Patuloy itong tinatangki­lik ng mga manonood at ng netizens online kaya naman lagi itong trending sa social media.

Wag kalimutang tumutok sa “#3WBA The Laughs. The Feels. The Truth The Third Anniversar­y Special” ng Tonight with Boy Abunda, simula ngayong araw (Nobyembre 12). Panoorin ito gabi-gabi pagkatapos ng Pinoy Big Brother Otso sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 ??  ?? Boy at Toni
Boy at Toni

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines