Balita

Wanlu at puppets, magpapakit­ang gilas sa CCP

- Manila Bulletin Entertainm­ent

MAGLAKBAY sa mundo ng mahika at puppetry sa Wanlu And His Puppets sa Disyembre 7 sa Tanghalang Huseng Batute (CCP Studio Theater).

Tampok sa 90-minute family show si Juancho “Wanlu” Lunaria at kanyang mga marionette at ventriloqu­ist puppet. Layunin ng show na makalikom ng pondo para sa travel expenses ni Wanlu at kanyang pamilya, dahil sila ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 5th Internatio­nal Marionette­s Festival sa Vietnam at sa Phuket Harmony World Puppet Festival sa Thailand.

Tinagurian­g Philippine Ambassador of Puppetry, sinimulan ni Wanlu ang kanyang entertainm­ent career bilang isang magician. Tinuruan at ginabayan nina Nap Fernandez, Danny Luchavez, Lou Hilario, at Burik, naging takbo na ng buhay niya ang pagbibigay ng kasiyahan sa publiko sa loob ng mahigit 20 taon.

Sumali na rin siya sa Talentadon­g Pinoy, isang talent competitio­n, noong 2009. Ito ang panahon kung kailan niya napagdesis­yunang sumugal sa ventriloqu­ism, bilang paraan ng pagpapalaw­ak ng kanyang abilidad at kakayanan. Natutunan niya ang art ng ventriloqu­ism mula sa kanyang mentor, si Ony Carcamo.

Ilan sa kanyang puppet friends ay sina Nicolo, isang six-year-old wisecrack kid puppet, kapatid nitong si Angelina, Manny Pexman, Rep. Dominador ng Lakas Loob Party, Mang Caloy ng Amoy Pawis Partylist, Plus Kap, Ozham the Mystic, Gort the Alien, at iba pa.

Mayroon din siyang lovable animal puppets – sina Andhokzz the Chicken, DD Gandang Ibon the Ostrich, Santiago the Parrot, at Gonzo, ang high technology animatroni­c monkey puppet.

 ??  ?? Wanlu at Nicolo
Wanlu at Nicolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines