Balita

Bagwis ng Falcons, mas tumibay tungo sa Final Four

-

NAISALBA ng Adamson ang maalat na simula para mapigilan ang tangkang paninilat ng kulelat na University of the East, 85-72, nitong Sabado sa UAAP Season 81 sa Smart Araneta Coliseum.

Naghabola ng Soaring Falcons sa 3-20 sa unang limang minute, ngunit bago pa man tuluyang bumulusok ay nagawang maikampay ang mga bagwis sa tamang pagkakatao­n para maagaw ang momentum at ang panalo na nagpatibay sa kampanya nilang masungkit ang twice-to-beat advabtage sa Final Four.

Tangan ng Adamson ang 10-3 karta, habang nabaon ng tuluyan ang Warriors sa ilalim na team standings (1-11).

“Of course that we still have to look at the remaining schedule this weekend, they were saying it’s a crucial weekend for everybody. That’s a problem, sometimes when you have a flat start, they think the opposing team that will just roll over. It was a different scenario,” pahayag ni Adamson coach Franz Pumaren.

“They were aggressive, they were enjoying the game actually, pressure-free sila. It’s a good thing we were able to regroup, and I gave them some sweet nothings at half time,” aniya.

Nanguna si Ahanmisi sa Falcons sa naiskor na 23 puntos, tampok ang 4-for-6 sa three-point line, habang kumubra si Manganti ng 19 puntos, dalawang steals at isang block.

Nag-ambag si Papi Sarr ng 24 rebounds at siyam na puntos.

Kumubra si Alvin Pasaol ng 24 puntos para sa Red Warriors, habang nag-ambag si Philip Manalang ng 19 puntos at tatlong rebounds.

Iskor: Adamson 85 – Ahanmisi 23, Manganti 19, Lastimosa 10, Sarr 9, Camacho 7, Catapusan 6, Pingoy 5, Espeleta 4, Zaldivar 2, Mojica 0, Magbuhos 0, Bernardo 0, Colonia 0.

UE 72 – Pasaol 24, Manalang 19, Cullar 12, Bartolome 8, Gallardo 5, Varilla 4, Strait 0, Antiporda 0, Beltran 0, Conner 0, Gagate 0.

Quartersco­res: 21-24; 40-40; 6559; 85-72.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines