Balita

PH athletes ng Gen. Trias, ibinida ng Colegio de San Francisco

-

GEN. TRIAS CITY – Ikinalugod ng Colegio de San Francisco OIC (Officer In Charge) Mimie Alcantara ang Philippine athletes na nagpamalas ng kanilang husay at angking talino.

Sina Jeanelle Cabatian at Paolo Estavillo, parehong miyembro ng Philippine Youth team mula General Trias City na nagwagi ng 4 golds at 2 silver medals sa Pattaya, Thailand kamakailan.

“On behalf of Colegio de San Francisco Administra­tors, we would like to congratula­te Paolo Estavillo and Jeanelle Cabatian for making it up to Internatio­nal Chess Competitio­n. We are hoping that you will continue whatever you are doing. We are all proud of you. God bless.” sabi ni Ms. Alcantara.

Si Paolo ay Grade 9 student under class adviser ni Ms. Gerlyn Seno habang si Jeanelle ay Grade 8 pupil under class adviser ni Mr. Alex Dalo.

Ito ang kauna-unahang pagkakatao­n na ang mag-aaral at atleta ng Colegio de San Francisco ay nakalahok sa Internatio­nal competitio­n sa abroad.

“Proud, happy kami kasi first time na y’ung mag-aaral namin dito (Colegio de San Francisco) ay nagkaroon ng pagkakatao­n makapag compete sa abroad. Kasi hanggang STCAA (Southern Tagalog Calabarzon Athletic Associatio­n) lang ang pinakamala­yong naabot ng mag aaral namin,” sabi ni Mr. Dalo na athletics coach din.

Si PH coach Ederwin Estavillo na presidente din ng General Trias City, Cavite ay sinamahan ang dalawang kabataan manlalaro sa isang courtesy call nitong Martes.-Marlon Bernardino

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines