Balita

Kings, babawi sa Hotshots

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 7:00 pm -- Ginebra vs. Magnolia

TARGET ng Barangay Ginebra na makabawi sa maagang pagkakatao­n sa muling pakikipagt­uos sa Magnolia sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinal duel ngayon sa 2018 PBA Governors Cup.

Magsisimul­a ang ikalawang sunod na edisyon ng Manila Classico sa semifinals ng season ending conference ganap na 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Malaking bagay ang naging panalo ng Hotshots kontra Kings sa Game 1 dahil nagawa nitong wakasan ang pitong sunod na kabiguan na natamo nila sa itinuturin­g na crowd favorite ngayong season.

Gayunman, mismong si coach Chito Victolero ang umamin na wala pa silang pinanghaha­wakan kahit nanalo sila sa unang laro ng semifinals.

“Winning Game One hindi iyan assurance na makakapunt­a ka sa finals,” wika ni Victolero. “Ang pinag-usapan namin dito, we need to win three games in order for us to go to the Finals. Although there’s a percentage na nakuha namin (in our favor) hindi pa rin assurance iyan.”

Inaasahang muling mangunguna para sa Hotshots si import Romeo Travis na umiskor ng kanyang personal conference-high 37 puntos, bukod pa sa 16 rebounds at 5 assists sa 106-98 na panalo nila noong Sabado sa Game 1 na idinaos sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Tiyak namang walang ibang asam ang Kings kundi ang makabawi at maitabla ang serye.

Inamin ni Ginebra import Justin Brownlee na tila nawaglit sa isip nila ang dumipensa sa ganda ng tinatakbo ng kanilang opensa noong unang laro na naging dahilan ng kanilang pagkatalo.

“I think we kind of we felt into the trap of playing their game. I think we just gotta get back into playing our game,” ani Brownlee.

“I think we got too dependent on our offense. We didn’t focus on our defense anymore. We got some baskets. I think we just fell in love with our offense ‘cause we were scoring so well,” paliwanag pa nito.“We gotta remember we’re a defensefir­st team.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines