Balita

Paghaharap ni Digong at ng NDFP officials, tuloy

- Zea Capistrano

DAVAO CITY – Malaki ang posibilida­d na matuloy bago matapos ang Nobyembre ang pagpupulon­g sa pagitan nina Pangulong Duterte, National Democratic Front of the Philippine­s (NDFP) Senior Adviser Luis Jalandoni at NDFP Peace Panel Chairman Fidel Agcaoili.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidenti­al Adviser on the Peace Process Jesus Dureza matapos niyang kumpirmahi­n na inaayos na nila ang nasabing pagpupulon­g, kasunod ng pagpapahay­ag nina Jalandoni at Agcaoili ng intensiyon na makipag-usap sa Pangulo.

“There are preparatio­ns that are being made but I am not liberty to disclose,” sabi ni Dureza.

Siniguro naman ng opisyal na hindi aarestuhin ang dalawang NDFP official sakaling bumalik sa bansa, dahil wala naman umanong warrants of arrest laban sa dalawa.

“I have checked, Luis Jalandoni has no outstandin­g warrant neither does Fidel Agcaoili. So they will not be arrested, unless they violate the law when they come here,” sinabi ni Dureza sa mga mamamahaya­g na dumalo sa forum sa Davao City.

Sinabi pa ni Dureza na hindi gagalawin ng mga awtoridad ang dalawang opisyal ng NDFP kapag pumayag nang makipagpul­ong sa kanila si Duterte.

“Kung pupunta man sila at pumayag ang Presidente, I’m sure they will not be harmed or touched at all. And I’m sure sina Luis at si Fidel will not come also kapag tingin nila na delikado, eh,” dagdag pa ni Dureza.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines