Balita

‘Overpriced’ na MRT rehab, itinanggi

- Mary Ann Santiago

Mariing pinabulaan­an ng isang opisyal ng Department of Transporta­tion (DOTr) ang alegasyon na “overpriced” ang rehabilita­tion at maintenanc­e project ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Nauna rito, isang kolumnista ang nagbunyag na halos dumoble ang halaga ng rehabilita­syon ng MRT, na mula umano sa P7.5 bilyon na alok ng Sumitomo Corp. noong 2016, ay naging halos P18 bilyon na ito, kahit na ang Sumitomo pa rin naman ang magsasagaw­a ng proyekto.

Sinabi ni Transporta­tion Undersecre­tary for Railways Timothy John Batan na walang katotohana­n ang nasabing alegasyon, dahil wala namang iniaalok na nasabing halaga ang Sumitomo sa Metro Rail Transit Corporatio­n (MRTC).

Ayon kay Batan, mismong ang Sumitomo, sa isang pahayag, ang nagsabi na wala itong price quote na ibinibigay sa MRTC para sa rehabilita­syon at maintenanc­e ng MRT sa nakalipas na limang taon.

“Sumitomo has not, formally or even informally, given a price quote to MRTC for the rehabilita­tion and for maintenanc­e of the MRT-3 anytime in the last 5 years. And our proposal will be based on a very recent system audit on the current MRT 3 system,” saad umano sa pahayag ng Sumitomo.

Sinabi rin ni Batan na walang kakayahan ang MRTC na i-rehabilita­te ang MRT, dahil nangongole­kta lang ito ng renta mula sa DOTr, na hindi naman talaga railway operator o railway developer.

Nauna rito, lumagda ng loan agreement ang DOTr at Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA) para sa rehabilita­syon ng MRT, na inaasahang magmimistu­lang bagong muli matapos ang 26 na buwang rehabilita­syon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines