Balita

Industrial park sa ‘Pinas, plano ng China

- Argyll Cyrus B. Geducos

SINGAPORE – Naghahanap ang China ng malaking lupa sa Pilipinas upang mapaunlad ang industrial parks, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Ipinahayag ito ni Lopez bago ang nakatakdan­g pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas sa susunod na linggo

Sa isang panayam dito, sinabi ni Lopez na ang memorandum of understand­ing (MOU) para sa industrial park ay isa sa mga dokumenton­g lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China sa pagbisita ni Xi.

Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagan­g detalye si Lopez at sinabing patuloy ang konsultasy­on sa mga Chinese.

“Ang alam ko meron on industrial park. Some companies also--actually may isa ring interested pa makahabol, possibly an iron and steel manufactur­ing,” sabi niya.

“But it’s not yet cleared, eh, with the Chinese side. So parang may ongoing consultati­on pa. But ang alam kong kasama na is that MOU on industrial park,” dagdag niya.

Sinabi ni Lopez na naghahanap pa ang China ng malawak na lupa sa Pilipinas kung saan maaaring itayo ang industrial park.

“Nag-i-spot na lang sila ng location--saan ilalagay ‘yung mga industrial parks. [Ito ay] open to the entire country,” sambit niya.

“They’re looking into township. That’s why they require vast tract of lands, eh. So instead of the usual 200 hectares for their manufactur­ing, they would even require even more that 1,000 hectares,” dagdag niya.

“So doon minsan nagtatagal­an. Ano’ng lugar sa atin ang pwede pang maka-offer ng mga ganoong kalalaking lugar na sinasabi nila malapit sa port, or at least pwedeng mag-develop ng port,” pagpapatul­oy niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines