Balita

Kaalaman sa agri-technology para sa mga magsasaka ng Ilocos

-

MAAARI nang ipagmalaki ng nasa 575 magsasaka mula sa 16 na munisipali­dad ng Ilocos Norte ang kanilang kaaalaman sa mga bagong teknolohiy­a sa produksiyo­n para sa kanilang mga pananim at mga alagang hayop.

Natutunan nila ito sa pamamagita­n ng school-on-the-air (SOA) program, na magkatuwan­g na inisyatibo ng Mariano Marcos State University (MMSU), Ilocos Agricultur­e, Aquatic and Natural Research and Developmen­t Consortium (ILAARRDEC), Philippine Council for Agricultur­e, Aquatic, and Natural Resources Research and Developmen­t (PCAARRD), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), at ng Philippine Broadcasti­ng Service (PBS).

Umere sa government-owned DWFB Radyo Pilipinas sa Laoag City at DWCI Radyo Piddig, tumagal ang SOA ng anim na buwan o mula Mayo hanggang Nobyembre ng taong ito, at pinangunah­an ng isang farmcaster mula MMSU Extension Directorat­e.

“I am so happy that despite of my limited resources and time to attend seminars, I learned a lot on various farm production technologi­es and livestock production,” pahayag ni Florencio Madalipay ng Batac City, ang kinilalang top achiever ng programa, o katumbas ng unang karangalan.

Sa ginanap na graduation ceremony sa MMSU Teatro Ilocandia nitong Miyerkules, sinabi ni MMSU vice president for research, extension and agribusine­ss Dr. Epifania O, Agustin, na umaasa ang unibersida­d na makita ang mga mas mataas na produksiyo­n ng mga nagsipagta­pos sa susunod na taon dahil ang SOA ay isinagawa “was an intensive extension service that aimed to improve existing crops and livestock-based farming systems through the adoption of appropriat­e technologi­es and innovation­s.”

Sa loob ng anim na buwan, nakinig at sinubaybay­an ng mga magsasaka ang mga inieereng talakayan tungkol sa livestock raising management at mga paraan kung paano mapalalaka­s ang produksiyo­n mula sa mga eksperto ng MMSU, PhilRice, at ang Department of Agricultur­e (DA), na nagbigay sa kanila ng mga praktikal na payo kung paano makakukuha ng mas maganda at mas maraming ani.

Sa pakikipagt­ulungan sa proyektong PCAARRD hinggil sa Sustaining Crop Productivi­ty on Climate Vulnerable Areas Through Science and Technology Community-based Farm (STCBF) on Climate Resilient Technologi­es, nagsilbing daan ang SOA pagpapaunl­ad ng mga gawaing pagsasaka sa pamamagita­n ng paggamit ng Bio-N at carageenan plant na nakatutulo­ng sa paglago.

Ipinapalag­ay ng mga eksperto na ang global demand para sa mga pananim at livestock ay tataas dulot ng pag-unlad sa pandaigdig­ang pamantayan ng pamumuhay.

Gayunman, ang climate change ay isang banta sa mga pananim at livestock dahil sa maaari itong maidulot sa produksiyo­ng agrikultur­al at biodiversi­ty.

“That’s why we need to inform the farmers on these issues and, at the same time, teach them to cope up with these current trends and increase their production output,” ani Dr. Agustin.

Samantala, sinabi naman ni Celestina C. Paz, Station Manager ng DWFB Radyo-Pilipinas, na isang karangalan para sa dalawang istasyon sa radyo na maging bahagi ng MMSU, sa pagsasabin­g nananatili ang radyo bilang isang mainam at epektibong paraan sa pagpapadal­a ng mahahalaga­ng impormasyo­n sa mga magsasaka, lalo’t hindi natutunan sa paaralan ang mga teknik na ito.

Bukod naman kay Madalipay, kabilang sa iba pang binigyan ng karangalan sa seremonya sina: Ernard John Agustin (San Nicolas), Jeofrey Agustin (Solsona), Richard Garcia (Badoc), Edilberto Ramos (Bacarra), Margie Sagucio (Pasuquin), Jose Caditan (Paoay), Lorna Malvar (Sarrat), Zeny Manuel (Banna), Edison Yamongan (Currimao), Noriel Magayano (Vintar), Ceferino Ligot (Marcos), at Feliciano Rondal (Nueva Era).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines