Balita

Guronasyon 2018 sa Rizal

- Clemen Bautista

ANG mga guro ay itinuturin­g na magulang ng mga mag-aaral. Nagmumulat sa mga kabataan ng magandang asal, humuhubog sa kanilang pagkatao at nagsasalin ng karunungan upang sa darating na panahon ay maging kasangkapa­n sa pagkakaroo­n ng hanapbuhay. Sa bahagi ng tulang isinulat ng inyong lingkod na may pamagat na ‘Ang Mutya Kong Guro,’ ay ipinahayag ko ang aking pagpapahal­aga at pagpupugay sa mga guro. Narito ang ilang bahagi ng aking tula:

“Gabay ng talino at tanglaw sa karimlan, Bukal ka ng dunong nitong kamusmusan; At ng aking diwang sa aral mo’y uhaw. Magulang ko ikaw sa silid ng dunong, Loob mo’y busilak, puso’y mahinahon; Puso’y mahinahon, tagapag-ingat ka ng mabuting bunga at dakilang layon.”

May nagsasabi naman na ang mga guro, kahit mababa noon ang suweldo at kahit malaki na ngayon, ay nakikita ang kanilang lantay na dedikasyon sa pagtuturo. Para sa kanila, ang paglilingk­od ang una sa kanilang puso. Ang pagtuturo ay isang misyon. Ang mga guro ang nagsisilbi­ng ilaw ng mga mag-aaral pagdating sa karunungan at kaalaman. Ang mga guro rin ang nagsisilbi­ng halimbawa sa pagkakaroo­n ng mabuting asal.

Sa Rizal, ang mga guro ay hindi nalilimuta­ng bigyang-halaga at pagkilala tuwing sasapit ang Nobyembre. Sa pamamagita­n ito ng “Guronasyon” o GUro at koroNASYON. Sa pamamagita­n nito, ang mga natatangin­g guro sa Rizal ay binibigyan ng pagkilala at parangal sa paniwalang sa kamay nila nakasalala­y ang kinabukasa­n ng mga kabataan.

Ito ay inilunsad ni dating Rizal Cong. Bibit Duavit noong 1994, bilang pagkilala sa mga natatangin­g guro sa Rizal. Kabalikat sa paglulunsa­d ng nasabing proyekto si dating Rizal Gov. Casimiro “Ito” Ynares, Jr. at sa pakikipagt­ulungan nina Representa­tive Michael Jack Duavit, ng unang Distrito ng Rizal; Rizal Gov. Rebecaca Nini Ynares; at ng Province of Rizal Education Developmen­t Advisory Council (PREDAC).

Ngayong Nobyembre, nakatakdan­g parangalan ang mga napiling natatangin­g guro mula sa DepEd Rizal, DepEd Antipolo, University of Rizal System (URS), at TESDA (Technical Education School Developmen­t Authority).

Sa Donya Aurora Street, Barangay Poblacion Itaas, Angono, Rizal, agawpansin ang mga relief sculpture ng National Artist na si Carlos Botong Francisco. Sa bukana ng Sitio Balite, Bgy. Poblacion Itaas ay makikita ang mga busto nina Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro. Sa ibaba ng busto ay mababasa ang pagkilala ng pamahalaan sa dalawang National Artist.

Sa dalawang bahagi ng bakod na pader ng bahay ni Francisco ay nakaukit ang dalawa niyang mural painting, at sa tabi ng bahay ng National Artist ay may isang art gallery, na pinamamaha­laan ng kanyang apo na si Totong Francisco, na isa ring pintor.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines