Balita

Panggoyo lang ang militar sa BoC

- Ric Valmonte

“KAPAG tinawag mo ang militar para tulungan ka, hindi mo naman sila hinihirang sa anumang posisyon o kaya binibigyan mo sila ng tiyak na tungkulin. Anong malay nila tungkol sa ledger at journal? Nasa Customs sila para mapanatili nila ang kapayapaan dahil magulo na

rito,” depensa ni Pangulong Duterte sa batikos sa kanya hinggil sa desisyon niyang ipamahala sa militar ang Bureau of Customs (BoC).

Bagamat noong una, inamin niya na iniutos niya ang militariza­tion sa BoC. Aniya, laganap na ang kurapsiyon dito sa puntong hindi na masusugpo ng kahit sinong tagapamuno.

“Ang BoC ay niyanig ng mga alegasyon ng kurapsiyon kahit sa ilalim ni Commission Raffy Biazon sa panahon ng administra­syong Aquino. Hindi ba naalis siya sa tungkulin at naharap sa maraming kaso?” sabi pa ng Pangulo.

Katulad ng tinuran ng Pangulo, lumabas na laganap ang kurapsiyon sa BoC sa kanyang panahon dahil matapang na ang mga smuggler ngayon. Bakit hindi mo masasabi ito,

eh iba na ang mga bagay na naipupusli­t dito? Shabu at mga ilegal na droga ang mga napupuslit dito kahit ito ang dahilan kung bakit marami nang tao ang napatay. Malakihan pa at bultobulto.

Sa panahon ni Commission­er Nicanor Faeldon, P6.4 bilyon halaga ng shabu ang nailabas at sa panahon naman ng inihalili kay Faeldon na si Commission­er Isidro Lapeña, P11 bilyon halaga ang naipuslit. Noong panahon ni Faeldon ay natunton ang nakalabas na droga sa isang warehouse sa Valenzuela, pero ang P11 bilyon shabu na na-smuggle noong si Lapeña ang BoC commission­er ay naglaho na parang bula.

Matagumpay na naipuslit ang P11-bilyon shabu dahil masalimuot at nakalilito­ng paraan ang ginamit. Iyong

unang dalawang magnetic lifter na may shabu ay iniwan sa Manila Internatio­nal Container Terminal. Sadyang ginawa ito upang makalusot ang apat pang magnetic lifter na shabu rin ang laman. Huli na nang madiskubre na ang apat na magnetic lifter ay nasa GMA, Cavite, kaya nang datnan ito ay wala nang laman.

Totoo, inalis si dating Commission­er Biazon sa puwesto at naharap siya sa maraming kaso ng kurapsiyon. Hindi naman siya inilipat ni dating Pangulong Noynoy sa ibang puwesto. Nakabimbin pa ang mga kaso laban sa kanya. Pero, si Faeldon, nang alisin sa BoC ay inilipat ni Pangulong Digong sa mga asensadong puwesto tulad ng Office of Civil Defense at Bureau of Correction­s. Si Lapeña naman, hinirang niya bilang director

ng TESDA at miyembro ng kanyang Gabinete.

Totoo na kinasuhan sina Faledon at Lapeña ng kurapsiyon sa Department of Justice (DoJ). May magagawa pa ba ang DoJ sa kaso ni Faeldon kundi ang i-dismiss ito? Nang hirangin ng Pangulo si Faeldon sa ibang puwesto, parang ipinahiwat­ig na nito sa DoJ kung ano ang kanyang gagawin. Inabsuwelt­o ng DoJ si Faeldon, na gagawin din nito kay Lapeña.

Paano masusupil sa ganitong paraan ang kurapsiyon sa BoC? Bakit hindi ito lalaganap, eh sa ganitong paraan lumalakas ang loob ng kahit sinong mamumuno sa BoC. Iyong punuin mo ng mga sundalo ang pantalan ay panggoyo lang sa taumbayan para pagtakpan ang naganap dito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines