Balita

Huwag ka nang umasa

- Gina de Venecia Ipadala ang tanong sa dear. inangmahal@gmail.com

DEAR Manay Gina, Ako ay madaling magtiwala sa ibang tao dahil tapat akong makisama. Nitong nagdaang buwan ay may nakilala akong lalaki na masasabi kong boyfriend material. Malambing siya, maalalahan­in, laging nagte-text at naging malapit kami sa isa’t-isa. Dahil inakala kong siya na ang “the one,” pumayag po ako na makipag-one night stand. Ang malungkot, pagkatapos ng gabing ‘yon ay parang nagbago na siya. Nang minsang sinita ko, ang sabi niya, iniiwasan lamang daw niyang masaktang muli. Kasi daw, malungkot ang nangyari

sa kanyang huling pakikipagr­elasyon. Nasaktan po ako at hindi ko maintindih­an kung ano ang nangyari sa amin. Mandy

Dear Mandy,

Nalungkot ako nang mabasa ko ang iyong liham, dahil malinaw na napagsaman­talahan ang iyong pagiging mapagtiwal­a. Sa puntong ito, isipin mo na lamang na isang mapait na aral sa buhay ang naranasan mo.

Sikapin mong bumangon sa kalungkuta­ng ito by becoming the best version of yourself. At sa susunod, kahit gaano katamis ang dila ng manliligaw mo, isipin mong mabuti ang iyong kapakanan bago ka gumawa ng mabigat na personal na desisyon. Ang good news, kung ikaw ay patuloy na magpapakab­uti at aalagaan mo ang iyong sarili, darating ang panahon na makakatagp­o ka ng tunay na prinsipe na hindi magiging palaka.

Nagmamahal, Manay Gina

“Boys will be boys, and so will a lot of middle-aged men.”

----- Kin Hubbard _________________________ ____________________________ _____________

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines