Balita

Filipino at Panitikan, gabay tungo sa maliwanag na bukas

- Ni DINDO M. BALARES

ISA sa mga iniiwasan ng mga manunulat ang pagtalakay sa mga bagay na pinakamala­pit sa damdamin o mismo nang laman ng puso. Hangga’t maaari, huwag na lang sulatin, siyempre pang hindi magiging patas.

Baka magkaiyaka­n lang, lalong lalabo ang pananaw at usapan. Kasi nga naman, pinakamama­hal. Isa sa mga paksang ito ang wika, sa pagkakatao­ng ito -- ang wikang Tagalog (Filipino para sa iba), na ginagamit sa pahayagang ito at ng mahigit 100 milyong Pilipino saan mang panig ng mundo.

Pero hindi na kami magpipigil ngayon, sa katwirang hindi lang naman dahil ito ang ginagamit namin sa hanapbuhay. At ang mga manunulat, sa maniwala kayo’t sa hindi, ay hindi lamang nagsusulat para sa kanilang kakainin kundi para sa kapakanan ng lahat. At ang mga mambabasa ay hindi lamang naman sumusuport­a sa mga manunulat o peryodista tuwing bumibili ng diyaryo o libro, pinalalawa­k din nila ang kanilang kaisipan.

Tulad ng ating dugong kayumanggi at mga kaugalian, ang ating wika ay minana pa natin mula sa ating mga kanunununu­an. Ito ang isa mga pagkakakil­anlan natin. Napakahala­gang pamana nito na, hindi man natin lubos na namamalaya­n, patuloy na bumibigkis sa ating lahat.

Bagamat maraming pagkakasal­usalungat ang mga Pilipino, lalo na sa kasalukuya­n, nagkakauna­waan pa rin naman ang lahat gamit ang wikang sariling atin.

Kaya hindi kataka-taka kung bakit kontra ang cultural workers at ang karamihan sa mga Pilipino sa desisyon ng Korte Supreme na tanggalin na sa core subjects ng college ang Filipino at Panitikan.

Nasa Korte Suprema ang ilan sa pinakamata­talino ng lahing ito, pero bakit hindi nila napagtanto na laban sa sarili nating bansa ang naging desisyon nila?

Sa kolehiyo na unti-unting nahihinog ang kaisipan ng mga estudyante, bakit kailangan silang tanggalan ng pagkakatao­n na mabasa at mapag-aralan ang akda ng mga Pilipinong manunulat?

Hindi lang naman sa mga diyaryo at aklat ginagamit ang Tagalog, pati na sa mga programa ng radyo, telebisyon, mga pelikula at sa bagong platforms tulad ng blogs at websites. Paano magiging epektibo ang susunod na communicat­ors ngayong tatanggali­n na ang wikang Filipino at Panitikan sa kolehiyo?

Kasama ang Korte Suprema sa mga nagbibigay ng giya sa tamang landasin ng Pilipinas, saan nila gustong papuntahin kung gayon ang mga susunod na henerasyon?

Kaisa kami ng maraming nananawaga­n na bigyan ng malawakang pag-aaral at pang-unawa ang usaping ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines