Balita

Marian, request ang mas marami pang anak

- Marian Ni NORA CALDERON

LALONG ang ganda-ganda ng aura ngayon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Parang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya habang kausap ng ilang entertainm­ent media and vloggers sa launch niya ng Kultura x Marian Rivera Timeless Pearl sa Podium sa Ortigas Center last Thursday afternoon.

Ipinakita muna ni Marian sa mga kaharap niya ang collection ng mga pearls na siya mismo ang nag-design, like earrings, necklaces, even iyong panglagay sa buhok. Mahilig ba siya talaga sa pearls?

“I think, hindi lamang ako, but nature na ng mga babae na mahilig sa alahas,” sagot ni Marian. “Natutuwa akong mag-design, nang bigyan ako ng Kultura ng chance na makagawa ng sarili kong designs, at nagugustuh­an naman nila.” Mukhang mamahalin ang mga designs ni Marian, pero nang ipakita niya ito sa mga kaharap, at tanungin ang price, very affordable naman.

“Kaya iniimbita ko kayong pumunta sa mga outlets ng Kultura para makakita pa kayo ng mas maraming designs na ginawa ko. Hanapin lang ang Kultura x Marian Rivera at makakapili kayo ng gusto ninyong design na bagay sa okasyon na pupuntahan ninyo.” Bakit mas lalo yatang masaya ngayon si Marian? Natuwa rin ang mga kaharap niya dahil malaki na ang baby bump niya, na parang biglang lumaki kumpara noong presscon niya ng Nailandia last week.

“Siguro dahil may Zia na ako, who will turn three years old na sa November 23, at may isa pang darating, at sana isa pa, at isa pa. Gusto namin ni Dong (Dingdong Dantes) three or four children. Nakakatawa nga, hindi pa lumalabas ang second baby namin, humihirit na ako ulit kay Lord. Lahat naman ng hiniling ko sa Kanya, ibinibigay Niya, ang happiness sa puso ko.” Alam na nilang magasawa ang gender ng baby nila, pero ayaw pa ring sabihin ni Marian kung boy or girl. Pero sa ganda ngayon ni Marian, maraming nagsasabi na baby girl ang kasunod ni Zia. Basta anuman daw ang ibigay ni Lord sa kanila, tanggap na tanggap nila.

Sa birthday daw ni Zia nila irereveal ang gender ng baby.

“Walang birthday party si Zia dahil ayaw daw niya; gusto raw niya pumunta sa lugar na first time lamang niyang pupuntahan. Tinanong namin siya kung gusto ba niyang mag-birthday kasama ang mga classmates and friends niya, sagot niya, ‘No, Mama, I want to go to Hong Kong Disneyland. I want to see the mascots’.

“First (time) lang naming pupunta ng Hong Kong Disneyland. Hindi nga lamang kami puwedeng magtagal dahil may taping ang Papa niya.”

Ipinaalala din ni Marian ang The Happiest 5K on the Planet Color Run sa Sunday, November 18, sa McKinley West, ng Yes Pinoy Foundation, in cooperatio­n with GMA Network, na makakasama nila ang ibang Kapuso stars.

“Huwag din ninyong i-miss ang Sunday PinaSaya tomorrow, November 18, dahil ilo-launch na namin ang campaign for Christmas at ang 2019 GMA Station ID.

“May big promo rin ang Cain at Abel ni Dong at Dennis Trillo na pilot na sa Monday, November 19, after ng 24 Oras. Todo-saya pa rin ang handog namin sa inyong lahat na laging sumusubayb­ay sa amin every Sunday, 12:00 noon,” sabi pa ni Marian.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines