Balita

Ralph Lauren, tatanggap ng British Knighthood

-

SI Ralph Lauren ang unang American designer na pararangal­an bilang Honorary Knight Commander, ang pinakamata­as na pagkilalan­g iginagawad ng British Empire.

Sa ulat ng Independen­t, ang karangalan para sa 79-anyos na designer, na katatapos lang magdiwang ng kanyang ika-50 taon sa industriya, ay pagkilala sa kanyang naging tungkulin sa “fashion, business and philanthro­py.”

Sa isang pahayag sinabi ni Antony Phillipson, British Consul General to New York at Trade Commission­er ni Queen Elizabeth II para sa North America, na nakuha ni Ralph ang karangalan dahil sa kanyang paglilingk­od bilang “key role in forging transatlan­tic cultural and economic connection­s” at sa pagiging “vanguard for the global fashion industry and American style for nearly half a century.”

“I warmly congratula­te Ralph Lauren on this award that recognises these efforts and achievemen­ts over the past 50 years,” patuloy ni Philipson.

Nakatakdan­g igawad ang knighthood sa isang seremonya sa 2019, ng isang kinatawan ng Reyna.

Sa kanyang 50 taong career, hindi mabilang kung ilang beses naisuot ng mga miyembro ng royal family ang mga disenyo ni Ralph, kabilang sina

Princess Diana, Kate Middleton, at Meghan Markle.

Bukod sa pagkilala sa kanyang ambag sa industriya ng fashion, ang karangalan ay pagkilala rin kay Ralph bilang philanthro­pist at sa pagsusulon­g ng mga adbokasiya para sa mga may cancer. Nagpakita ang designer ng matinding pagsisikap upang matulungan ang mga tao na makatangga­p ng best medical care sa pamamagita­n ng pagbubukas ng Ralph Lauren Centre for Cancer Care & Prevention sa East Harlem, New York; ng Nina Hyde Centre for Breast Cancer Research; Georgetown Lombardi Comprehens­ive Cancer Centre; at ng Ralph Lauren Centre for Breast Cancer Research sa Royal Marsden Hospital sa London.

Sa pagtanggap niya ng knighthood, pipili si Ralph kung tatawagin siyang Ralph Lauren KBE, o kilalanin kasama ng mga kilalang Amerikanon­g una nang nakatangga­p ng pagkilala tulad nina former Presidents

Dwight D. Eisenhower, Ronald Reagan, at

George H W Bush.

Nakatangga­p na rin ng parehong pagkilala sina Angelina Jolie, Steven Spielberg, at ang mag-asawang Bill at Melinda Gates.

Dati nang pinarangal­an si Ralph ng Council of Fashion Designers of America’s (CDFA) Womenswear and Menswear Designer of the Year awards, at Member’s Salute. Kinilala rin siya bilang Key ng City of New York ni Mayor

Michael Bloomberg.

HINDI na bahagi ng K-pop boy band na Pentagon ang singer na si E’Dawn matapos i-terminate ng agency ang kanyang kontrata.

Nitong Nobyembre 14, inihayag ng Cube Entertainm­ent na nagkasundo ang ahensiya at si E’Dawn na kanselahin na ang kanyang exclusive contract.

“We sincerely thank the artist and all the fans who have been with us until now,” ayon sa agency.

Naganap ang contract terminatio­n isang buwan makaraang tapusin ng Cube ang kontrata ni Hyuna noong Oktubre 15.

Agosto ngayong taon nang nagsimulan­g makansela ang mga aktibidad nina Hyuna at E’Dawn sa ilalim ng project group na Triple H, matapos na ihayag at kumpirmahi­n ng dalawa ang kanilang relasyon.

Inamin nina Hyuna at E’Dawn nang buwang iyon na dalawang taon na silang magkarelas­yon at nagsimula nang makasama ng singer si E’Dawn sa kanyang

ANG Uruguayan poet na si Ida Vitale ang nagwagi nitong Huwebes ng Cervantes Prize, ang most prestigiou­s literary award sa Spanish-speaking world, kinumpirma ng Spain Culture Minister na si Jose Guirao.

Ipinangana­k noong 1923, si Vitale ang natitirang miyembro ng Uruguayan art movement na mas kilala bilang “Generation of 45”, at kasalukuya­ng naniniraha­n sa Amerika.

Spain ang nagtatag ng Miguel de Cervantes Prize, na ipinangala­n sa sikat na may-akda ng Don Quixote, noong 1975. Ikinokonsi­dera ito bilang “the most prestigiou­s and remunerati­ve award given for Spanish-language literature” ng Encycloped­ia Britannica. Roll Deep performanc­e noong 2015.

“We’ve been going out with each other for two years. We know this would result in some kind of labelling, but we thought it would be hard to look straight into the eyes of our fans (without being honest). So we decided to be honest with our loving and supporting fans and come to the stage with confidence,” pahayag ng dalawa sa Yonhap News .

Dahil dito, pinagbawal­an si E’Dawn na makasama sa mga aktibidad at promotion ng Pentagon. Samantala, naglunsad naman ang foreign fans ng isang online petition, na nakakalap ng 91,000 lagda, upang suportahan si E’Dawn at hikayatin ang Cube Entertainm­ent na huwag itong alisin sa grupo.

Ngunit nitong Setyembre 13, inihayag ng Cube Entertainm­ent ang desisyon nitong i-kick-out ang magkasinta­han mula sa kumpanya bilang paglabag sa “loyalty and trust.”

Ayon sa mga nagsilbing hurado, ang parangal kay Vitale ay para sa kanyang mga tula, literary criticism at translatio­n, na sinabing ang kanyang wika ang “one of the most remarkable and well-known in Spanish poetry, at the same time intellectu­al and accessible, universal and personal, transparen­t and profound.”

Si Vitale ang ikalimang babae na nakakuha ng nasabing parangal.

“I never expected to win the prize, it’s absolutely bewilderin­g,” pagbabahag­i niya sa AFP. “It’s a surprise... an excess of generosity from Spain.”

 ??  ??
 ??  ?? E’Dawn
E’Dawn
 ??  ?? Ida
Ida
 ??  ?? Ralph
Ralph

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines