Balita

World Pitmasters Cup 3rd Elims Ngayon

-

ANG ikatlo at huling 2-stag eliiminati­ons sa ginaganap na 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag Internatio­nal Derby ay papagitna ngayon sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila simula alas-dose ng tanghali.

May 110 bagong kalahok ang susubukin makapagtal­a kahit na isang puntos upang maka-abante sa 3-stag semifinals na gaganapin sa Nob. 19, 20 & 21.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang worldclass event na ito ay itinataguy­od ng gold sponsor Thunderbir­d Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbir­d Bexan XP. Isponsor din ang VNJ, Eksperto at Thor.

Malinis na nakalusot sa unang elims noong Huwebes at umiskor ng tigalawang panalo ang mga lahok na AAO Pitmaster-2 (Gerry Ramos), AA RCL Mustang (Jun Llarenas/ Art Atayde), Gen. Buratchie Gf (Ojie Villangca) JLD Bros Nov. 24 5 Stag Sa Icoca (Jay & Jong Diaz) , Nov. 24 5 Stag Sa Icoca City Of Ilagan (Dr. Jay Diaz/Peter "Apol" Alsosa), Amco All Can/Robri), Amco/Allan Cantal/ Roan Britania) , Bn Bonbon/Kaingin Feb. 21 5-Cock @ Smc (Wilfredo Aga Jr./Poch Gabriel), Oliver (Nestor Vendivil),

Dubai Gold (Mito Mendoza), Sta. Ursula Binangonan (Gov. Ito Ynares), Har-Sy-Tan Ana Babae Sa Mall (Harold De Ramos), P.E. Gamefarm 1 & P.E. Gamefarm 3 (Pol Estrellado), Eizel Jan/Lucas (Charles Evangelist­a/Jojo De Mesa), Sf-Ju Amco (Bebot Uy/James Uy & Amco Diego Ccap Thor M (EDR), Lucky Chard Tabuk Jd (Atty. Tubban/Jun Durano), RJM Hvt Barry White (Rj Mea/Hermin Teves), Vmm/Rle Boston 63a (RR), Ako Bisaya Party List 2 (Rex/SL), Gs Señor 2 )Barry Crisostomo/SL), Roostervil­le BS (EP/Boyet Singbengco), Roostervil­le Taligaman Warbirds (EP/Ali Intino) , Sagupaan AEJ Gamefarm (Cong. Patrick Antonio/AEJ) at Tiger Shark/Philreca PDJ (Engr. Celso A. Salazar).

Bukas, ika-20 ng Nobyembre, magaganap ang pinag-uusapan na one-day 7-stag big event tampok ang 28 bigtime na mananabong.

Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makakaisko­r ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalan­g ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines