Balita

Warriors, lungayngay sa Rockets

-

HOUSTON (AP) – Tila inspirado ang Rockets sa pagkawala ni Carmelo Anthony sa impresibon­g laro tungo sa dominanten­g 107-86 panalo kontra sa defending champion Golden State Warriors nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Toyota Center.

Sa kanilang unang laro matapos ang pormal na pahayag sa pagbitiw ng Rockets kay Anthony, pulido ang galaw ng Houston at nakagugula­t ang depensa na ibinakod sa Warriors para sa isa pang blowout win.

Hataw si James Harden sa natipang 27 puntos, tatlong boards, tatlong assists, at dalawang steals para sa Rockets, naungusan ng Warriors sa Game Seven ng Western Conference Finals sa nakalipas na season.

Nag-ambag si James Ennis III ng 19 puntos at limang boards, habang kumana si Eric Gordon ng 17 puntos, tatlong assists, at isang steal.

Nanguna si Kevin Durant sa Warriors na may 20 puntos, limang rebounds,dalawang assists, at isang block. Nanatiling nasa bench ang injured na si Stephen Curry at bumagsaka ng Golden State sa 12-4.

MELO, TINABLA NG HOUSTON

Sa Houston, natuldukan na ang isyu at usap-usapan sa pananatili ni Carmelo Anthony sa kampo ng Rockets.

Ipinahayag ni Rockets general manager Daryl Morey nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang paghihiwal­ay ng landas ng Rockets kay Anthony at kasalukuya­n umanong inaayos ang tamang resolusyon sa isyu.

Nakapaglar­o lamang si Anthony ng 10 laro sa Houston matapos lumagda ng isang taong kontrata na nagkakahal­aga ng U$2.4 milyon sa offseason.

“Carmelo had a tremendous approach during his time with the Rockets and accepted every role head coach Mike D’Antoni gave him. The fit we envisioned when Carmelo chose to sign with the Rockets has not materializ­ed, therefore we thought it was best to move on as any other outcome would have been unfair to him.”

Ipinamigay ng Oklahoma City Thunder si Anthony sa Atlanta Hawks nitong Hulyo, bago binitiwan para makalagda ng kontrata sa Rockets.

“We just had to see how things worked out,” sambit ni D’Antoni. “And the way we play probably wasn’t conducive to his game and he was trying to make the necessary sacrifices and it wasn’t fair to him as a Hall of Fame player to play in a way that wasn’t good for him, wasn’t good for us. It just wasn’t a fit.”

Ang 34-anyos na si Anthony ay 10time All-Star, ngunit masalimuot ang career sa nakalipas na dalawang season. Naitala niya ang averaged career-low 16.2 puntos sa Thunder.

Sa iba pang laro, ginapi ng Denver Nuggets, sa pangunguna ni Juancho Hernangome­z na kumana ng seasonhigh 25 puntos, ang Atlanta Hawks, 138-93;

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines