Balita

Ruru at Bianca, pag-amin na lang ang kulang

- Ni NITZ MIRALLES

GINULAT na naman nina Ruru

Madrid at Bianca Umali ang kanilang fans nang lumabas ang photos nila na magkasaman­g nagbakasyo­n sa Siargao. Matatandaa­ng galing sa bakasyon sa Japan ang dalawa, pero walang nakitang litrato na magkasama sila.

Kahit magkasama sila sa Japan, wala silang litrato na magkasama, solo pictures nila ang lumabas, pero alam mong magkasama sila dahil iisa ang background kung saan sila nagpakuha ng litrato.

This time, sa bakasyon nila sa Siargao, pumayag na sina Ruru at Bianca na ma-post ang mga litrato nila na magkasama. Hindi naman kasi maitago ang presence nila dahil laging maraming tao sa Siargao.

Ang sabi, sumama si Ruru sa bakasyon ng pamilya ni Bianca sa Siargao. Ibig sabihin, tanggap si Ruru ng pamilya ni Bianca kung anuman ang estado ng kanilang relasyon ngayon.

Nainggit nga ang fans nina Bianca at Miguel Tanfelix, dahil sa four years na relasyon ng dalawa bilang magka-love team, madalang na makitang kasama si Miguel ng pamilya ni Bianca. Wala rin namang litrato si Bianca na kasama ang family ni Miguel, except ‘yung nakita naming litrato ni Bianca with Miguel’s mom.

Ang hinihintay na lang ngayon ng fans nina Ruru at Bianca ay kung kailan sila aamin sa kanilang relasyon. Break na sina Bianca at Miguel, at matagal nang break sina Ruru at Gabbi Garcia, kaya wala nang masasaktan kung aaminin na nila na boyfriend at girlfriend na nila ang isa’t isa.

Samantala, mapapanood bukas, Sabado, ang part two ng three-part special ng Maynila to celebrate its 20 years of giving beautiful stories. Tampok sa anniversar­y special episode sina Ruru at Ken Chan bilang magkapatid na humarap sa matinding problema at pagsubok.

Naiyak ang viewers sa first part nitong November 10. Iiyak din sila sa episode sa Sabado at sa final episode sa November 24. Kasama rin sa cast sina Patricia Javier at Ayra Mariano.

Host ng Maynila si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, at producer ng series ang anak niyang si Lei Atienza-Valdepeñas. Napapanood ang Maynila, 9:45 am - 10:45 am sa GMA-7.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines