Balita

Dingdong at Dennis, ayaw ng ka-double

- Ni NORA V. CALDERON

AFTER eight years ay ngayon lang muli magkakasam­a ang dalawang tinagurian­g hari ng Kapuso network, ang Primetime King na si Dingdong Dantes at ang Drama King na si Dennis Trillo, in an action-packed series Cain at Abel.

Una silang nagkasama sa Twin Hearts in 2003, nasundan ng telefantas­ya na Etheria in 2005, at ang huli ay sa Filipino adaptation ng Koreanovel­ang Endless Love back in 2010.

Ngayon, sa Cain at Abel, pareho silang lead actors as they play brothers Daniel (Dingdong) at Miguel/Elias (Dennis).

“I’m happy na magkasama kami muli ni Dennis,” sabi ni Dingdong. “Alam kong matagal na ang concept na ito ng GMA na ibang actors ang gaganap, pero mukhang kami ang hinintay talaga to play the roles, at magkapatid pa kami. Pero hindi muna kami magkakilal­a sa simula ng story dahil mga bata pa kami nang paghiwalay­in kami ng parents namin.”

“Na-excite naman ako nang malaman kong muli kaming magkakasam­a sa work ni Dingdong,” sabi naman ni Dennis. “It’s an honor to be working with the Kapuso Primetime King. Ang sagot ko kapag may nagtatanon­g sa akin kung ano ang susunod kong project, ipinagyaya­bang kong kasama ko si Dingdong Dantes.

“At nang finally nagkausap na kami ni Dingdong bago kami nagsimulan­g mag-taping, nangako kami sa isa’t isa na we will do our best para mapaganda talaga ang show dahil punungpuno ito ng aksiyon at drama rin.”

Sa media launch nga, humanga ang mga dumalong entertainm­ent media sa napakagand­ang full trailer na inihanda ng production.

Isa sa napagkasun­duan ng dalawa na sila-sila mismo ang gagawa ng kani-kanilang stunts. Si Dennis ay napanood na mabilis na tumakbo para umiwas sa mga humahabol sa kanya, to the point na tumalon siya sa tulay at lumitaw lang sa kabilang pampang ng ilog. Nakipagkar­era naman si Dingdong sakay sa motorsiklo at may hinabol rooftop, saka sila sabay na bumagsak sa ibaba.

“Ayaw naming dayain ang mga action scenes kaya kami na ang gumagawa,” sabi ni Dennis.

“Medyo dangerous, pero maingat naman kami ni Dennis sa paggawa ng action scenes,” ani Dingdong.

Nakausap din namin si Direk Mark Reyes, na isa sa guest directors ng serye, at sinabi niyang amazed daw siya sa performanc­es nina Dingdong at Dennis, sa action man o sa drama scenes. Maganda raw ang chemistry ng dalawa sa screen.

Isa pang guest director si Toto Natividad, na kilalang action director, kaya naman sa trailer pa lang ay pasabog na talaga ang mga eksena nina Dingdong at Dennis.

Sa Monday na ang pilot episode ng Cain at Abel, after 24 Oras. Tampok din sa serye sina Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Eddie Gutierrez, Chanda Romero, Dina Bonnevie, Ronnie Henares, Boy 2 Quizon, Shyr Valdez, Leandro Baldemor, Carlo Gonzales, with special participat­ion of Yasmien Kurdi, Diana Zubiri, Gio Alvarez, Rafael Rosell, and child stars David Remo, Seth dela Cruz at Ashley Cabrera.

 ??  ??
 ??  ?? Dennis at Dingdong
Dennis at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines