Balita

Teacher ‘nagnakaw’ sa school, tiklo

- Orly L. Barcala

Kulong ang isang public school teacher, na umanoy’ baon sa utang, nang ipaaresto ng kapwa niya mga guro dahil sa umano’y pagnanakaw niya ng laptop sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Police Senior Supt. David Nicolas Poklay ang suspek na si Francisco Lucaban, 55, Senior High School teacher sa Karuhatan National High School, tubong Catarman, Samar, naniniraha­n sa No. 46 Asuncion Street, Morning Breeze, Subdivisio­n, Caloocan City.

Sa salaysay nina Marwin Tatoy, 25; at Patricia Maria Gajes, 31, kay P03 Regor Germedia ng Station Investigat­ion Unit (SIU), nadiskubre nilang nawawala ang kani-kanilang laptop sa faculty room ng nabanggit na paaralan na matatagpua­n sa Caridad St., Don Pedro Subdivisio­n, Barangay Karuhatan, Valenzuela City, bandang 9:00 ng umaga.

Anila, naghinala sila na si Lucaban ang kumuha dahil siya lang ang pumasok sa faculty room noong oras na iyon.

Dahil dito, humingi ng police assistance sa Police Community Precinct (PCP) 9 sina Tatoy at Gajes at inilarawan ang suspek.

Mabilis na natunton nina PO1 Rey Aldrin Balicat at PO1 Marvin M. Malillin, ng PCP 9, si Lucaban na pasakay sa jeep patungong Monumento at bitbit ang mga laptop at tuluyang inaresto.

Ayon kay Lucaban, nagawa niyang nakawin ang laptop ng mga kasamahan dahil isasanla niya ito upang magkaroon ng pamasahe papuntang Samar.

Ayon kay PO3 Germedia, peke ang Philippine Regulatory Commission (PRC) identifica­tion (ID) card ng suspek.

Kinasuhan si Lucaban ng two-counts of theft at falsificat­ion of documents.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines