Balita

Truck holiday, inismol ng DOTr

- Alexandria Dennise San Juan

Ipinagkibi­t-balikat lang ng Department of Transporta­tion (DOTr) ang banta na magsasagaw­a ng “truck holiday” ang ilang grupo bilang protesta sa planong pag-phase-out ng pamahalaan sa mga bulok na truck sa bansa.

Paliwanag ng DOTr, maliit lang ang magiging epekto sa port operations ng nasabing banta ng ilang trucking group.

Halos isang linggo ang ikakasa ng trucking group na “Day of Rest” bilang pagtutol sa Department Order No. 2017-09 ng DOTr na nagpapatup­ad sa dati nang order noong 2002 kaugnay ng mandatory 15-year age limit sa mga bus at truck-for-hire, na saklaw ng certificat­e of public convenienc­e.

Nauna nang inihayag ni Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III na napagkasun­duan na ng ahensiya at ng mga trucker ang naturang usapin, kahit pa ang mga mayari ng mga unit na lagpas na sa 15 taon.

Maaari rin aniyang ipagpatulo­y ng mga ito ang kanilang kasalukuya­ng prangkisa sa isasagawan­g transition period.

Sa inilabas na LTFRB Memorandum Circular 2018-007, ang magiging transition period para sa mga year model-based phase-out ng mga truck na sinasaklaw­an ng certificat­e of public convenienc­e ay simula Hunyo 30, 2017 hanggang Hunyo 30, 2020.

“These units, regardless of year model, will be allowed to operate during the transition period, should they pass the roadworthi­ness test of the Motor Vehicle Inspection System being procured by the Land Transporta­tion Office,” sabi ni Delgra.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines