Balita

Tumatagal ang Code of Conduct sa SEA

-

NAGKITA ang mga miyembro ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) nitong nagdaang linggo sa Singapore, para sa 33rd ASEAN Summit at sa mga kaugnay nitong pulong kasama ang mga katuwang na mga bansa, kabilang Estados Unidos, Japan, China, at Russia.

Tinalakay nila ang maraming mga isyu ngunit pinaka-kritikal sa lahat ang sigalot sa pinagaagaw­ang mga teritoryo sa South China Sea, kasama ang China at ang nasa apat na miyembrong bansa ng ASEAN na may nagkakatal­ong pag-aangkin, habang determinad­o ang US na makuha ang karapatan sa malayang paglalayag sa dagat, taliwas sa iginigiit ng China na bahagi ito ng kanilang sakop na teritoryo.

Katulad ng lahat ng nakaraang mga pulong ng ASEAN, nanatiling nakabimbin ang isyu. Sumang-ayon ang mga bansa ng ASEAN sa mungkahi ng China na pansamanta­la ay magkakasun­do ang mga sangkot na bansa sa isang Code of Conduct, upang maiwasang lumalala sa isang armadong labanan ang pag-aagawan.

Nitong Martes, sinabi ni China’s Premier Li Kequiang na umaasa ang China na makukumple­to na sa loob ng tatlong taon ang konsultasy­on nito sa mga bansa sa Southeast Asia hinggil sa Code of Conduct. “China and the ASEAN countries will benefit in that process,” aniya. “It will also be conducive to free trade and go on to serve the interests of other parties.”

Gayundin lamang na lahat ng mga naghahanga­d ng teritoryo sa ilang mga isla sa South China Sea, kabilang ang Pilipinas, ay determinad­o na panghawaka­n ang kanilang paghahabol at kanilang karapatan, ang Code of Conduct ang tiyak na pinakamain­am na opsiyon upang mapanatili ang kapayapaan sa lugar.

Ang Pilipinas, higit, ay may matibay na basehan sa paghahabol nito sa ilang mga isla sa Spratlys na malapit sa Palawan. Naghain ito ng isang kaso sa Permanent Court of Arbitratio­n sa The Hague, noong 2016, na nagpatibay sa karapatan ng Pilipinas na galugarin at gamitin ang mga yaman na nasa loob ng 370-kilometer Exclusive Economic Zone at ibinasura ang paghahabol ng China sa karapatan nito sa halos lahat ng bahagi ng South China Sea.

Gayunman, walang kakayahan ang korte ng United Nations sa The Hague na ipatupad ang desisyon kaya lantarang binalewala ito ng China. Patuloy ang pagpapadal­a ng US ng mga barko at eroplano nito malapit sa mga inangking isla ng China at baka isa sa mga araw na ito, isang piloto ng alinmang ang magsimula ng armadong bakbakan.

Ang Code of Conduct, na iminungkah­i ng China, ay makatutulo­ng upang maiwasan ang anumang sigalot sa pagitan ng China at ng mga bansa ng ASEAN, ngunit mahabang panahon na ang nagugugol nito simula nang una itong imungkahi ng China at sang-ayunan ng mga bansa ng ASEAN. Patuloy ang mga ito sa paghihinta­y ng aktuwal na probisyon, na tinukoy ni China Premier Li nitong Martes, na matatapos sa loob ng tatlong taon.

Kailangang lutasin ng China at US sa pagitan ng kanilang mga sarili ang pagtatalo sa karapatan sa malayang paglalayag. Ngunit para sa China at ASEAN, ang mungkahing Code of Conduct ay napagkasun­duan na at nabigyan na ng bisa, ang mas makabubuti, hindi lamang para sa kapayapaan, ngunit gayundin sa ekonomikal na pag-unlad at pagsulong ng rehiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines