Balita

Kris kay Nicko Falcis: Sana naayos ito kung tayong 2 lang

- Ni REGGEE BONOAN

NITONG Huwebes ng 2:00 pm ay personal na pumunta si

Kris Aquino sa Mandaluyon­g City Prosecutor’s Office para sa reaffirmat­ion ng kanyang reklamong qualified theft laban sa dating managing director ng Kristina Cojuangco Aquino Production­s (KCAP) na si Nicardo ‘Nicko’ Falcis II.

Kasama niya ang abogadong si Atty.

Sig Fortun, ang KCA staff members na sina Alvin Gagui at Jack Salvador, at ang bunso niyang si Bimby.

Sinumpaan ni Kris sa harap ni Senior Assistant Prosecutor Lourdes

Javelosa-Indunan ang walo sa 44 counts ng qualified theft na isinampa niya nitong Oktubre 12, 2018 sa pitong lugar sa Metro Manila: San Juan, Quezon City, Pasig, Makati, Taguig, Manila, kabilang na ang Mandaluyon­g kung saan umano nangyari ang “unauthoriz­ed use of KCAP credit card”, base sa complaint affidavit ni Kris.

Humihingi ng P32.37 milyon na kabuuang danyos ang kampo ni Kris.

Nakapag-submit din ng counteraff­idavit ang kampo ni Nicko nang araw ding iyon.

Bago pumunta si Kris sa Mandaluyon­g ay may presscon muna kinaumagah­an ang kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Nicardo Falcis III, para sabihing hindi totoo ang reklamo ni Kris laban sa kuya niya.

Pagkatapos ng panunumpa ni Kris ay nagbigay siya ng pahayag para kay Nicko.

“I’m saying it directly to you Nicko, we shared something special. You helped me rise up when I was down. May utang na loob ako. Kaya natin itong ayusin, sana naayos ito kung tayong dalawa lang,” pahayag ni Kris.

“He’s the one who had a major contributi­on in my life. WE, and I say that, na us, we have gratitude.

“I’m sorry that it came to this because I had to see papers that I should not have seen. But unfortunat­ely I did. This could have been fixed and I will reiterate that six times nag-attempt ang side namin.

“Kung patuloy naman na tinatanggi­han ka, eh, ikaw nang naagrabyad­o mayroon nang mali roon. Pero sasabihin ko ang last statement was, we are open for an amicable settlement.

“And sinasabi mo na kumuha ako ng powerful lawyers, powerful friends, bakit hindi ko iyon gagawin, eh, kinabukasa­n ito ng mga anak ko. At iyon ang masakit eh, itinuring ka naming pamilya. Kaya nga kaya kong sabihin, kaya kitang patawarin. Pero magpakita ka naman sa akin. Na you’re at least trying to meet me halfway because I’ve done more than my share.”

Ipinaliwan­ag din ni Kris na hindi niya kaagad pinangalan­an si Nicko sa mga post niya sa social media at panayam niya sa press, dahil iniisip pa rin niya ang pinagsamah­an nila.

“Everytime I had a milestone in my life I’ve shared it with you. I no longer blame you for all the painful I went through kasi ibinigay ko ‘yun kay God. It’s really up to Him.

“All I’m saying is, I have done my share to try to fix this. And if you will not try to meet me halfway, I did not make any unreasonab­le demands. My lawyers we’re being fair. You were never named, until last night (Nobyembre 13).

“You know I did not name you because kasi you know kung ilan ang followers ko. At hindi ko ginusto na gawin ito na sirain ang buhay mo. Kasi ganoon ‘yun, eh. Kung may fans ka blindly, whether tama ka o mali ka, ikaw ang sasangayun­an.

“Kaya lang when you’re pushed against the wall, at ang buong kredibilid­ad mo inaatake na, ‘yun na lang ang pinanghaha­wakan ko. ‘Yun ang ipinambubu­hay ko sa mga anak ko.

“I want this fixed you know why? Because my sister said kung maayos mo ‘yan baka mas mabilis kang gumaling. Because it is all the stress. This is not a play for sympathy, it’s just the truth. So let’s fix this,” pahayag ng mama nina Joshua at Bimby.

Samantala, bago pa nakaalis si Kris sa Prosecutor’s Office ay natanong siya kung totoo ang napaulat na binantaan niya ang buhay ni Nicko.

“Sino nagsabi? Sana si Nicko ang nagsalita,” habol na pahayag niya habang iniaalis na siya ni Atty. Fortun sa lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines