Balita

Alden, pelikula ang next project

- Nitz Miralles

NAGTAPOS na nitong Biyernes ang Victor Magtanggol, at hindi maitago ni Alden Richards ang lungkot dahil isa ang actiontele­fantaserye sa mga favorite shows niya, at paborito rin niya ang role bilang Victor Magtanggol.

Nalulungko­t din si Alden dahil hindi na niya makikita nang regular ang cast na naging close sa kanya, at ang staff and crew na pamilya na ang turing niya.

Para nga sa kapakanan ng crew, ginusto ni Alden na ma-extend hanggang December ang Victor

Magtanggol para masaya ang Pasko at Bagong Taon ng mga ito, pero hindi na pumuwede dahil naka-schedule na sa Monday, November 19, ang airing ng Cain at Abel.

Naikuwento ni Alden na minsan sa taping ay gusto na niyang magreklamo dahil mainit ang costume niya. Pero kapag nakikita niya ang crew ay natitigila­n siya. Siya nga naman ay may aircon ang standby area at nakakapagp­ahinga nang maayos, pero ang crew ay naiinitan, at kahit saan na lang nagpapahin­ga. Una rin ang mga itong dumarating sa set, and the last to leave.

“Napapahiya ako sa sarili ko ‘pag naisip kong magreklamo. Ang inisip ko na lang ang good memories na nabigay sa akin ng Victor Magtanggol. Nadagdagan ang friends ko sa industry at malaki ang pasasalama­t ko na nakatrabah­o ko sina Direk Eric (Quizon), Al (Tantay) at Ms. Coney

Reyes. Ite-treasure ko ‘yun for life,” sabi ni Alden. “Pasalamat din ako sa GMA-7 sa tiwala nila na sa akin ibigay ang Victor Magtanggol.”

Sa pagtatapos ng Victor Magtanggol, gusto munang gumawa ng pelikula ni Alden, at gusto rin niya talagang subukan ang indie film. Ang alam namin, may gagawin na siyang pelikula at may cast na nga rin, bawal pa lang isulat.

Looking forward din si Alden sa US vacation nila ng kanyang pamilya. More than two weeks ang uninterrup­ted na bakasyon nila, na kailangang-kailangan ni Alden para pagbalik sa trabaho ay recharged siya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines