Balita

Musikang SKA, muling bubuhayin ng Zcentido

- Mercy Lejarde

SA album launch ng grupong Zcentido, pansin namin na pawang may edad na ang mga miyembro pero ang gagaling pa rin ng kanilang mga boses. Applicable sa kanila ang kasabihang oldies but goodies. Members ng Zcentido sina Richard Cruz (band leader/drummer), MJ Cruz (lead singer), Gary Ragay (bassist), Christoph Alday (guitarist), Joseph Jamorol (keyboardis­t),

Patrick Blanco (trumpet), at Jericho Garcia

(thrombone).

Masayang masaya ang Zcentido sa kanilang first album na Unang Hakbang. Mayroon itong limang original songs, isang cover song ng Mamang Sorbetero, at ang carrier single na Ikaw, Ako, Tayo.

Sa tulong ng award-winning sound engineer na si Mr. Nikki Silvestre Cunanan, tiyak na mapapainda­k ang mga makakarini­g ng musika ng Zcentido.

Nakapag-perform na rin ang banda sa iba’t ibang entablado. Pero ang kaabang-abang ay ang pagtuntong nila sa stage ng PhilSka Music Festival. Makakasama ng banda ang dalawang internatio­nal SKA bands, ang Beat Bahnhof at Red Stripes.

Naniniwala­ng dapat na mas makilala pa ang SKA music sa bansa, idolo ng Zcentido ang Put3ska, na nagpasikat ng awiting Manila Girl.

Ang musikang SKA ay nagsimula sa Jamaica noong 1950s, at tunog ng pinaghalon­g rock at reggae. Noong 1960s, mas na-develop pa ito sa Jamaica dahil may mga na-record na kanta sa tunog na SKA.

Sa Pilipinas, sumikat ito noong 90s dahil sa bandang Put3ska, na nagperform sa kauna-unahang SKA music fest sa bansa noong 2012.

Malaki ang papel ni Mr. Noel Salonga sa muling pagbuhay sa SKA music sa Pilipinas. Tinatayang mahigit 3,000 ang miyembro ng SKA group sa bansa at patuloy pang dumadami, kaya naisip ni Noel na ito na ang tamang panahon para magkaroon ng isang malaking pagtitipon ang lahat ng SKA music lovers and musicians sa PhilSKA Music Festival 2018.

Ang music fest ay isinabay sa first anniversar­y ng Philippine Ska Community bukas,

November 17.

 ??  ?? Zcentido
Zcentido

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines