7-Star Big Event sa World Pitmasters Cup
HABANG ang mga semifinalists ay naghahanda upang masiguro ang kanilang pagpasok sa finals, ang 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby ay maghahandog ng kakaibang labanan ngayon araw sa pagparada ng pinakahihintay na P220K-Entry-Fee One-Day 7-Stag Big Event sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.
Magsisimula ang aksiyon ganap na 12:00 ng tanghali tampok ang 28 dekalibreng kalahok na magtutungalian sa isang labo-labong 98 sultadang programa.
Magtutuos sa isang Red Flag format o laban-sa-lahat na derby sina Femmie Medina, Eric dela Rosa, Mayor Goto, Rey Cañedo, Anthony Lim, Coun. Marvin Rillo, Mayor Jesse Viceo, Arman Santos, Richard Perez, Jojo Cruz, Joey delos Santos, Bong Pineda, Lito Orillaza, Mon Arriola, Eddie Gonzales, Mandy Garcia, Danny Bulldog, Rj Mea, Atong Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, JR Tolentino at Edwin Tose,
Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay itinataguyod ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP. Isponsor din ang VNJ, Eksperto at Thor.
Kabuuang 326 entries ang nagbanggaan sa tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations na ginanap noong Nobyembre 15, 16 & 17. Bawat isa sa kanila na nakapagtala ng isang puntos pataas ay inaasahang patuloy na lalaban sa kanilang nakatakdang araw ng semis sa Nob. 19, 20 & 21.
Sabak sa 4-stag finals ang lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.