Balita

Gusot sa swimming, asam ayusin ng PSC

- Annie Abad

MULING nakipag-usap si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez sa sports stakeholde­rs, sa pagkakaton­g ito ang komunidad ng swimming nitong Biyernes sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Hinarap ni Ramirez ang mga grupo ng Swimming Associatio­n at ng Dragonboat na parehong may suliranin sa liderato, bagama’t simula pa lamang ay tiwala ang PSC chief na mabigyan ng solusyon ang mga hinaing na idinulog sa kanya ng mga NSAs.

“We are here to listen to everyone’s concern and remind ourselves of the duty we have to act for the betterment of Philippine sports,” pahayag ni Ramirez. “Despite all of these issues and concerns, we have to unite and make sports accessible to every Filipino, as our President instructed.”

Dumalo upang tumulong na ayusin ang suliranin ng swimming si swimming champion at dating PSC Chairman Eric Buhain kasama sina coach Pinky Brosas at Joan Mojdeh, ina ni swimming protegee Jasmin .

Ayon kay Buhain, sa kabila ng kanyang mahabang panahong pamamahing­a para sa personal nagawain, nanatili ang kanyang rader sa sports at tunay na mahirap para sa kanyang ang katotohana ng gusot sa sports na kanyang naging tungtungan para magtagumpa­y sa buhay.

“I’ve been out for 12 years now, but I am forced to come back and help, kasi naaawa ako sa mga bata,” pahayag ni Buhain na umaasang maayos ng swimming ang kanilang isyu sa liderato.

Kasalukuya­ng nakaupo bilang presidente ng Philippine Swimming Associatio­n si Lani Velasco, na siyang kinikilala ngayon ng Philippine Olympic Committee (POC) na NSA ng swimming.

Dahil dito ay naitsapuwe­ra naman ang dalawang grupo na Philippine Swimming Inc (PSI) at Philippine Swimming League (PSL) na pinamumunu­an naman nina dating swimmer Ral Rosario at Susan Papa, ayon sa pagkakasun­od.

Samantala, dumalo naman para sa Dragonboat si Retired Maj. Gen Charly Holganza.

Una nang hinarap ni Ramirez ang mga stakeholde­rs ng Taekwondo at Table Tennis noong nakaraang linngo. Kasunod nito ay ipiprisint­a naman ng PSC sa POC ang mga detalye ng dayalogo upang solusyunan ng huli ang mga nasabing hinaing.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines