Prisoner transfer pact ng ‘Pinas at China, isinasapinal
Nais ng Pilipinas at China na isapinal ang kasunduan sa pagpapalitan ng mga bilanggo, upang ang mga preso ay makulong sa kani-kanilang bansa.
Nagkasundo sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping na bilisan ang diskusyon sa panukalang pagpapalitan ng mga bilanggo nang magpulong sa Malacañang, nitong nakaraang linggo. Ang panukala ay bahagi ng paraan ng mga leader na paigtingin ang kooperasyon sa pagbaka sa mga krimen gaya ng ilegal na droga, terorismo at human trafficking.
“Both sides agree to speed up the discussions with a view to signing a bilateral agreement on Transfer of Sentenced Persons,” nakasaad sa joint statement sa pagbisita ni Xi sa Pilipinas.
Sa pakikipagpulong kay Duterte, nagpahayag din ng suporta si Xi sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at pumayag na makibahagi sa laban at tumulong sa drug rehabilitation efforts.
“China reiterates its firm support to the Philippine government’s efforts in fighting against illicit drugs and drugrelated crimes, and expresses willingness to strengthen cooperation in areas including combating the smuggling of illegal drugs and their precursor chemicals, intelligence sharing, joint investigation and operation as well as drug rehabilitation,” nakasaad sa pahayag.
Sa kanyang parte, pinasalamatan ni Duterte ang tulong ng China sa kampanya ng kanyang administrasyon, gayundin sa pagtulong sa drug rehabilitation efforts.
“The Philippines spoke highly of the completion of the drug rehabilitation center in Sarangani Province and the construction of the rehabilitation center in Agusan del Sur, both financed by China through grants, and conveyed its appreciation to China for its assistance in personnel training and donation of drug detection, seizure, and testing equipment,” base sa pahayag.
Nagkasundo rin ang Maynila at Beijing na paigtingin ang kooperasyon sa law enforcement. Nagkasundo ang dalawang leader na “enhance cooperation and communication to combat transnational crimes, including job-related crimes, telecommunications fraud, illegal on-line gambling, cybercrimes, human trafficking and illegal wildlife trade.”
Kinondena rin ng dalawang bansa ang terorismo at nagkasundong “to cooperate in the areas of information exchange, and capacity building, among others, to jointly prevent and address such threats.”
“The Philippines expresses appreciation for China’s support and assistance to the Philippines in counterterrorism efforts and in the recovery, rehabilitation and reconstruction of Marawi City,” dagdag nito.