Tamang pasuweldo

Balita - - Pangunahing pahina - Leslie Ann G. Aquino

Epektibo ang polisiyang “no work, no pay” ngayong Sabado, Disyembre 8, ang Feast of the Immaculate Conception na isang special nonworking day.

“If the employee did not work, the ‘no work, no pay’ principle shall apply unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement (CBA) granting payment on a special day,” nakasaad sa Department of Labor and Employment (DOLE) said in Labor Advisory No. 19-18.

Bilang special non-working day, ang alituntunin sa pagpapasuweldo ngayong araw ay: Para sa ginawang trabaho, ang empleyado ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang suweldo sa unang walong oras. Sa lagpas walong oras na trabaho (overtime), tatanggap siya ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate.

Kapag nataon sa araw ng pahinga at pumasok ang empleyado, siya ay babayaran ng karagdagang 50% ng kanyang daily rate sa unang walong oras, at karagdagang 30% ng hourly rate para sa overtime.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.