229 na bagong uri ng halaman at hayop sa Pilipinas

Balita - - Pangunahing pahina - Ellalyn De Vera-Ruiz

May 229 na bagong halaman at hayop, kabilang ang coralsnake na matatagpuan lamang sa Pilipinas ang inilarawan ng California Academy of Sciences (CAS) ngayong taon.

Sinabi ng research institute and natural history museum na nakabase sa San Francisco, California na nakatutulong ang paglalarawan sa mga bagong uri ng halaman at hayop sa pagpapayaman ng ating pag-unawa sa “Earth’s complex web of life and strengthening our ability to make informed conservation decisions.”

Sa pahayag, sinabi ng CAS na nasorpresa ang researchers na madiskubre ang misteryosong tatlong talampakang coralsnake sa Dinagat Island 10 taon na ang nakalipas.

Ang black-and-white banded, long- glanded coralsnake ay pormal na inilarawan ngayong taon bilang Calliophis salitan. Bright-orange ang buntot nito hindi tulad ng mga kamag-anak nito na naninirahan sa rehiyon na asul ang buntot.

Ang bagong species, kabilang sa grupo ng nakalalasong Asian coralsnakes, ay matatagpuan lamang sa Pilipinas.

“The evolutionary origins of this new orange-tailed species remain a mystery,” sabi ni Dr. Alan Leviton, emeritus curator at Academy Fellow.

Inilarawan ni Leviton, kasama ang grupo na kinabibilangan ni Academy research associate Dr. Rafe Brown ng University of Kansas, ang bagong species ng coralsnake.

“The species might be more widespread than we think, there might be close relatives we haven’t discovered yet, or it could be the sole surviving member of a lost lineage,” ani Leviton. “Or, maybe orange is just the new blue.”

Ngayong taon, inilarawan ng CAS ang mga bagong species na kinabibilangan ng 120 wasps, 34 sea slugs, 28 ants, 19 fish, pitong flowering plants, pitong gagamba apat na eels, tatlong pating, dalawang water bears, isang palaka, isang ahas, isang seahorse, isang moss, at isang liverwort plant.

Mahigit isandosenang Academy scientists – kasama ang ilan dosenang international collaborators— ang naglarawan ng mga nadiskubreng bagong species.

Ang kanilang mga resulta ay matutulong upang maisulong ang misyon ng Academy na galugarin, ipaliwanag, at tustusan ang buhay sa Earth.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.