OFWs sa Libya payagang magbakasyon

Balita - - Pangunahing pahina - Bella Gamotea

Hiniling kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Labor and Employment (DoLE) na pahintulutan ang mas maraming overseas Filipino worker (OFWs) sa Libya na makapagbakasyon sa Pilipinas at makabalik muli sa kani-kanilang trabaho doon.

Sa liham ni Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin, Jr., hiniling nito kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III na i-endorso ang kanyang rekomendasyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maexempt sa deployment ban sa Libya ang OFWs na may valid at hawak na mga kontrata.

Saklaw din ng mungkahing exemptions ang mga stranded sa Pilipinas matapos itaas ng DFA ang Alert Level sa Libya mula sa II patungong III sa pagsiklab ng kaguluhan sa Tripoli noong Setyembre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.