‘Responsible gold’ tampok sa Philippine Fashion Week

Balita - - Pangunahing pahina - Ellalyn De Vera-Ruiz

Ipinakilala ng environmental justice advocates ang isang linya ng fashion jewelry na isinasaalang-alang ang “legal” gold mining methods.

Katuwang ang Philippine Fashion Week, pinasinayaan ng Ban Toxics ang “Compassionate Gold” jewelry line, na nagtatampok ng ginto na minina sa legal na mga paraan at hindi mapanganib sa kalusugan at kapaligiran, walang mercury at, hindi gumamit ng batang manggagawa.

Ipinagmamalaki ng brand, mula sa Ban Toxics, ang pangunguna sa pagsisikap na ito sa bansa at sa rehiyon, at sa koneksiyon nito sa community based artisanal at smallscale gold mining (ASGM) communities kung saan kinukuha ang ginto.

“Ban Toxics through the Compassionate Gold launch has showcased that responsible ASGM can co-exist with responsible stewardship of resources and toxics-free gold processing. It also exemplifies that human rights and good business are mutually supportive,” paliwanag ni Ban Toxics deputy executive director Reynaldo San Juan Jr.

Noong Mayo 2018, nakipag-partner ang Ban Toxics sa Philippine Fashion Week upang ipabatid sa publiko ang umuusbong na brand ng “responsible gold,” na naglalayong iangat ang ASGM sector.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.