Street sweeper pisak sa bus

Balita - - Pangunahing pahina - Ria Fernandez

Patay ang isang babaeng street sweeper nang masagasaan ng bus ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) sa United Nations Avenue sa Ermita, Maynila, nitong Biyernes ng umaga.

Sa inisyal na ulat, papatawid si Jhonifer Besabe, 40, personnel ng Manila Department of Public Safety (DPS) at residente ng Mandaluyong City, mula sa tapat ng Manila Police District (MPD) Press Corps Office nang masagasaan ng bus sa ganap na 6:00 ng umaga.

Unang nasalpok ang biktima at nakapaglakad pa nang tuluyang masagasaan ng bus.

Umabot ng tatlong oras bago narekober ang bangkay ng biktima mula sa ilalim ng bus.

Samantala, iniimbestigahan ang bus driver na si Rico Balugo, 46, ng 25 Centraza Village, Las Piñas.

CZAR DANCEL

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.