Swiss hinarang sa NAIA

Balita - - Pangunahing pahina - Bella Gamotea

Nadismaya ang isang Swiss nang pigilan siya ng awtoridad ng isang araw at gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, iniulat kahapon.

Disyembre 6, Huwebes, dumating sa NAIA si Chrystel Mary, nasa hustong gulang, turista, sakay sa Cathay Pacific flight CX 913 mula Hong Kong.

Sa ulat, hinarang si Mary ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) nang dumaan sa arrival immigration counter dahil sa pagkabigo umanong matukoy ang lugar na kanyang pupuntahan sa Maynila, na ikinaduda ng awtoridad kaya idiniretso ang dayuhan sa dayroom holding area ng NAIA-3.

Lalo pang nalagay sa balag na alanganin ang dayuhan nang manigarilyo sa loob ng pinagdalhang kuwarto at nakumpiska ang isang tea bag, na napagkamalang marijuana.

Sa kabila nito, nagpasalamat pa rin ang dayuhan sa staff ng NAIA-PDEA sa magandang pagtrato sa kanya sa dayroom holding area.

Patuloy na iniimbestigahan ng BI ang dayuhan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.