Holdaper nakorner

Balita - - Pangunahing pahina - Bella Gamotea

Sa selda ang bagsak ng isang holdaper nang biktimahin ang isang babae sa tapat ng isang bangko sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Nakadetine sa Parañaque City Police headquarters at iniimbestigahan si Aldrin Limbaga y Hanipan, 22, ng Barangay San Dionisio, Parañaque City, dahil pambibiktima kay Jaya Masalaysay, 21.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang panghoholdap sa tapat ng isang bangko na matatagpuan sa Ninoy Aquino Avenue, Bgy. San Dionisio, bandang 9:30 ng umaga.

Nakatayo ang biktima habang nagaabang ng masasakyan nang sumulpot ang suspek at nanutok umano ng baril bago nagdeklara ng holdap.

Kinuha umano ng suspek ang cell phone ng biktima, na nagkakahalaga ng P7,500, saka tumakas.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga nagpapatrulyang pulis at hinabol ang suspek hanggang sa naaresto at nabawi ang cell phone.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang .38 caliberrevolver,nakargadongapatnabala.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.