2 tigok sa drug ops

Balita - - Pangunahing pahina - Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Naging madugo ang kampanya kontra-droga ng pulisya nang tumimbuwang ang dalawa umanong tulak ng ilegal na droga sa Cabanatuan City at Talavera, Nueva Ecija, kamakalawa.

Knilala ni Cabanatuan City police commander, Supt. Criselda de Guzman ang unang nasawi na si Citizen Madrid, ng Purok Matatag, Barangay Barrera.

Isinailalim sa buy-bust operation si Madrid sa nasabing lugar, ngunit nanlaban umano ito kaya itinumba, dakong 1:00 ng madaling araw.

Napatay naman si Pedro Seratorre,ng Bgy. Valle Cruz, makaraang ikasa ang operasyon sa By-Pass Road, Bgy. La Torre sa Talavera.

Nasamsam sa dalawang operasyon ang isang .38 caliber revolver, na kargado ng limang bala at limang basyo ng bala ng .9mm caliber pistol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.