2 patrol boats vs terorista

Balita - - Pangunahing pahina - Beth Camia

Dumating na sa bansa ang dalawang 24-meter Fast Patrol Boat (FPB) ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang nasabing patrol boat ay dumating sa Subic Port sa Zambales mula sa France.

Layunin nitong paigtingin ang ipinatutupad na maritime safety and security at marine environmental protection ng bansa.

Sa pagdating ng dalawang sasakyang-pandagat, nakumpleto na ang apat na bahagi ng pagpapatupad ng Philippine Ports and Coast Guard Capability Development Project ng Department of Transportation (DOTr) at PCG.

Tatawaging Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Malamawi (FPB 2403) at BRP Kalanggaman (FPB 2404) ang dalawang bagong patrol craft.

Isa pang 82-meter Offshore Patrol Vessel ang nakatakdang dumating sa bansa Agosto 2019, ayon pa sa PCG.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.