Barangay chief utas sa ambush

Balita - - Pangunahing pahina - Marie Tonette Grace Marticio

TACLOBAN CITY – Isa na namang incumbent barangay chairman ang napatay habang sugatan naman ang isang kagawad nito nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bayho, Lope de Vega, Northern Samar, kamakalawa.

Kinilala ni Eastern Visayas information officer, Supt. Bella Rentuaya ang napaslang na si Edwin Teopinto, 44, bgy. chairman, ng Bgy. Somoroy ng nabanggit na bayan.

Si Teopinto ay nagtamo ng mga tala ng bala sa katawan, ayon sa mga awtoridad.

Isinugod naman sa ospital si Benadio Laurian, 34, barangay kagawad ng nasabing lugar, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, pauwi na si Teopinto, kaangkas sa motorsiklo si Laurian, matapos na dumalo sa isang Christmas party sa Poblacion.

Bigla na lamang dinikitan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay sa motorsiklo ang mga biktima bago pagbabarilin.

"The police are now conducting a hot pursuit operation for the possible identity and arrest of the suspects who used short caliber firearms," sabi pa ni Rentuaya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.