2 ‘tulak’, laglag

Balita - - Pangunahing pahina - Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Arestado ang dalawa umanong tulak sa ilrgal na droga sa anti-illegal drugs operation sa Barangay San Miguel, Talavera, kamakalawa ng gabi.

Dinakma ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)Talavera sina Ramon Velasquez, 29, ng Bgy. Poblacion Sur; at Oscar Esguerra, Jr., 45, ng Bgy. Bitas, Cabanatuan City.

Limang pakete ng umano’y shabu ang nasamsam sa mga suspek, na matagal na umanong nagbebenta ng ilegal na droga sa kani-kanilang lugar.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act 2002 (Republic Act 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.