6 na sekyu sugatan sa NPA attack

Balita - - Pangunahing pahina - Fer Taboy

Sugatan ang anim na security guard nang lusubin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang banana plantation sa Arakan, North Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Cotabato Provincial Police Office (CPPO), naganap ang insidente sa Barangay Dallag sa nabanggit na bayan, dakong 8:45 ng gabi.

Ang mga biktimang ay sina Jerry Cansico, Ramar Embay, Naseran Embana, Joel Algocoy, Nelson Ampugo at Christoval Felix, nakatalagang bantay ng Lapanday Banana Group of Companies sa Bgy. Dallag.

Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng CPPO, sinalakay ng mga rebelde ang nasabing plantasyon ng saging, ngunit nanlaban umano ang mga security guard nito.

Halos isang oras ang sagupaan bago umatras ang mga rebelde nang matunugan na reresponde na sa lugar ang mga tropa ng pamahalaan.

Sugatan ang mga biktima dulot ng mga grenade launcher na pinakawalan ng komunistang rebelde, na kaanib umano ng Guerilla Front Committee 53.

Sa inisyal na imbestigasyon, pangingikil ang motibo sa insidente.

JUAN CARLO DE VELA

VEGETARIAN Dinumog ang mga sariwang gulay, na nagmula sa bundok, na tampok sa Farmers Day market sa Plaza Sugbo sa Cebu City, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.