'Tanim-ebidensya' sa vice mayor, sisilipin

Balita - - Pangunahing pahina - Martin A. Sadongdong

Magsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng alegasyon ni Jabonga, Agusan del Norte vice mayor Glicero Monton na “itinanim” lamang sa kanyang bahay ang nasamsam na ebidensyang aabot sa P700,000 halaga ng ilegal na droga, nitong nakaraang buwan.

Ayon kay PNP Spokesman Benigno Durana, Jr., hindi kukunsintihin ng kanilang pamunuan ang mga paglabag sa batas at protocol ng mga tauhan nito na nagsagawa ng pagsalakay sa bahay ng alkalde sa Jabonga sa nasabing lalawigan nitong Nobyembre 28, dakong 2:30 ng madaling araw.

"The truthfulness of any allegation relative to that anti-drug operation will now be established in the proper court proceedings," sabi nito.

Matatandaang nilusob ng mga awtoridad ang bahay ni Monton dahil sa natanggap na impormasyon na sangkot ito sa illegal drug activities.

Si Monton ay nasa drug watchlist bilang "high-value target."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.