Kelot tiklo sa baril, granada

Balita - - Pangunahing pahina - Light A. Nolasco

PALAYAN CITY – Dinampot ng mga awtoridad ang isang lalaki nang mahulihan umano ng baril at pampasabog sa pagsalakay sa bahay nito sa Barangay Doña Josefa, Palayan City, kamakailan.

Hindi na nakapalag sa arresting team si Rejan Aligem, 41, ng nabanggit na lugar.

Sa bisa na rin ng search warrant, hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ni Aligem.

Nakumpiska sa suspek ang isang .45 caliber pistol, tatlong .22 caliber revolver, 57 bala, at isang hand grenade.

Sa ulat, walang kaukulang mga papeles ang mga ito. Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 10591 (illegal possesion of firearms and ammunitions) at paglabag sa RA 9516 (illegal possesion of explosives).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.