Uuwi na kami ni Papa – Jolo

Balita - - Pangunahing pahina - Ni NITZ MIRALLES

ANG ganda ng ngiti ng magamang dating Senator Bong

Revilla at Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa “not guilty” verdict kay Bong ng Sandiganbayan sa sa kasong plunder, na dahilan ng ilang taon nang pagkakakulong ni Bong sa Camp Crame.

“Uuwi na kami ni Papa! Kumpleto na ulit ang pamilya namin sa aming bahay. Maraming maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paglaya. The truth will always prevail! #TuloyAngLaban #BongRevilla2019,” post ni Jolo.

Maiksi naman ang message ni

Bryan Revilla sa paglaya ng ama:

“Thank you, Lord!!!

We are finally going home!!!”

“GOD IS GOOD” naman ang caption ni Luigi

Revilla sa pinost niyang picture ni Bong, na nakayakap sa lawyer nito. Si Bacoor City Mayor Lani

Mercado ay nagpasalamat sa paglaya ng asawa, at ipinost niya ang mensahe ng dating senador: “Hindi maipaliwanag ng salita ang nag-uumapaw kong pasasalamat bunga ng pagbuhos ng inyong pagmamahal. Nabigla ako sa pagdagsa ninyo at pagpapahayag ng walang humpay na suporta at tiwala.

“Salamat po sa mga kababayan natin mula sa Bacoor, sa Maynila, at sa iba’t ibang panig ng bansa. Salamat sa mga stuntman at dati kong kasamahan sa industriya. Salamat sa aking mga kapatid at pamilya sa pangunguna ni Lani. Salamat po sa inyong lahat!

Sa ngalan ng katotohanan at pagmamahal sa bayan, TULOY ANG LABAN!”

Tatakbong senador sa 2019 midterm election si Bong.

Lani at Bong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.