Arjo at Maine, lumalabas as ‘friends’

Balita - - Pangunahing pahina - Ni REGGEE BONOAN

TMaine kay Arjo: We’re going out as friends AMA ang ang naging desisyon ni Arjo Atayde na hindi dumalo sa mediacon ng Jack Em Popoy: The

Puliscredibles sa Cities Events nitong Huwebes nang hapon, dahil tiyak na hindi sila tatantanan ni Maine

Mendoza ng entertainment media/ online writers at bloggers kung ano talaga ang real score sa kanila.

Bago kasi nagsimula ang mediacon ay tinext namin ang aktor kung darating siya sa presscon at sinagot niya kami ng: “Hindi, tita.”

Si Coco Martin ang love interest ni Maine sa pelikula, na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) na idinirek ni Michael Tuviera, at produced ng APT Films, MZet Films, at CCM Films Productions.

Pagkatapos ng presscon ay kinorner ng lahat si Maine para kumustahin si Arjo. Panay lang ang tawa ng dalaga. “Okay naman po siya (Arjo). Tanungin n’yo siya.”

Pinuna na halatang blooming si Maine ngayon.

“Siguro, masaya ako.”

So, masaya rin ang puso niya? Walang kagatul-gatol ang maikling sagot ni Maine: “Oo.”

Kaya naman hiyawan ang mga nasa paligid. Si Arjo kasi ang laging kasama ni Maine sa mga lakad nitong nakalipas na buwan, at umabot pa hanggang sa ibang bansa.

Finally, nilinaw ni Maine ang namamagitan sa kanila ni Arjo: “Friends kami.”

Nanliligaw na ba si Arjo kay Maine?

“Hindi, friends kami. We’re going out as friends. Getting to know each other first. Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at maguusap?”

Hindi na sinagot ng

Kapuso actress ang tanong kung ano ang nagustuhan niya kay Arjo, dahil hinila na siya papalayo ng road manager niya.

Isa pang nagpapasaya ngayon kay Maine ay nagagawa na raw niya ang gusto niya.

“Opo, nagagawa ko na rin ‘yung mga gusto kong gawin bilang tao at bilang artista.”

Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.