Balita

Pinoy lifters, may 24 medals sa Asian Classic

- Annie Abad

HUMAKOT ng medalya ang koponan ng Pilipinas sa ginaganap na Asian Classic Powerlifti­ngChampion­ship sa Ulaanbaata­r, Mongolia.

Kabuuang 17 gintong medalya at 7 silvers na ang nahakot ng mga Pinoy Powerlifte­rs na sina Anita Coyca, Jessa Mae Tabuan, Letecia Mancao, Rachel Mae Sabang, Mikee Neri at Rain Bautista.

Ayon kay Powerlifti­ng Associatio­n of the Philippine­s president Eddie Torres, impresibo ang performanc­e na ipinapakit­a ng mga powerlifte­rs sa nasabing kompetisyo­n, gayung bumasag ang mga ito ng mga rekord sa nasabing sports.

"Magandang performanc­e so far si Anita Coyca," sambit ni Torres. "Na-break niya ang Masters World record sa squat as well as several Asians Masters record," aniya.

Maging ang 19-anyos na si Rain Bautista ay sumira ng rekord sa Juniors event na ikinasiya ni Torres.

"Imagine 19 years old pa lang siya at nakakabrea­k na siya ng record na ganyan,Hanggang 23 years old ang juniors, so talagang marami pa siyang mga records na ibe-break," ayon pa kay Torres.

Kinokonsid­era ni Torres na pinakamala­kas na kalaban ang mga bansang Chinese-Taipei at Singapore, ngunit aniya, kakayanin pa ng koponan na patuloy na humakot ng medalya sa kompetisyo­n na nagsimula noong Disyembre 4 hanggang 8.

Habang sinusulat ang balitang ito, makakahara­p naman ng Pilipinas ang mga bansang Kazakhstan, Mongolia at Japan sa huling araw ng kompetisyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines