109 na OFWs mula Saudi, nakauwi na

Balita - - News - Bella Gamotea

Dumating kahapon sa bansa ang kabuuang 109 na distressed overseas Filipino worker (OFW) mula sa Dammam, Kingdom of Saudi Arabia, ayon sa Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA).

Sa ulat ng OWWA, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City ang nasabing grupo ng OFW, sakay ng Philippine Arilines Flight 683, dakong 9:00 ng umaga.

Ang mga nasabing OFW ay nagtrabaho sa Al Azmeel Contracting and Construction Corporation, Rakkan Trading and Contracting Company, at SAMAMA Company for Operation and Management.

Sinagot ng OWWA ang plane tickets ng mga ito pabalik sa Pilipinas, kasunod ng pangako ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pauuwiin ang mga ito bago mag-Pasko.

Karamihan sa mga mangggawa at nagpasyang umuwi dahil sa contract violations ng kanilang Saudi employers, katulad ng hindi pagbabayad ng kanilang suweldo o end of service benefits, naantalang pasahod, kakulangan ng vacation leaves, at bigong masiguro ang kanilang final exit visa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.